K E N
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. O gawin. Hanggang ngayon, nasa utak ko pa rin ang lahat ng sinabi sa akin ni Renz kanina.
Aaminin ko na, medyo nakakapagsisi na naging duwag ako dati. Pero kasi, alam nyo 'yun, 'yung kahit gustung-gusto ko nang mag-take ng risk natatakot pa rin ako. Hindi sa risk na baka hindi niya ako gusto.
Kundi sa sasabihin ng ibang tao. Kumbaga, conscious pa ako sa iisipin ng iba dati. Kasi nga, hindi pa ako mature. Ngayon ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko nang magpakatapat sa sarili ko at hindi ko dapat iniintindi ang sasabihin ng iba.
Kaya ngayong sinabi sa akin ni Renz ang lahat, guilt na ang nabuo sa puso ko. Kasi 'yung nararamdaman ko para sa kanya dati, wala na. Hindi ko na maibabalik. Sa tingin nyo, kung umamin ako sa kanya dati, ano na kaya kami ngayon? Masaya kaya kami?
Siguro mas ok na na ganito ang nangyari.
Kanina, after Renz' confrontation, nag recall kami ng mga memories from the past. Siya ang nag-umpisa. Pinag-usapan namin lahat. 'Yung kung paano siya magbigay ng motives sa akin dati. Totoo na pala 'yun. Akala ko, trip lang niya akong paasahin.
At syempre, sinabi ko rin sa kanya kung paano ako kiligin dati.
Marami rin kaming pinag-usapan. Hanggang siya na rin mismo ang nag-aya at naghatid sa akin pauwi.
After parting ways, saka ako nakaramdam ng lungkot. May parte sa akin na naaawa kay Renz. Kasi kung ako dati, natakot sa risk -- ano kaya ang nararamdaman niya ngayon?
Haaaay buhay. Parang life.
Hindi ko namalayan ay malapit na pala ako sa may kanto papunta sa amin. Nang biglang mag-ring ang aking phone.
Medyo nag-alinlangan akong sagutin ito dahil unknown number. Pero sinagot ko rin.
"Hello po?" Bungad ko.
Nagsalita ang nasa kabilang linya. Ngunit 'yung unang part lang ang naintindihan ko sa sinabi niya dahil halos nawala na ako sa focus dahil sa narinig ko.
I ended the call at dali-dali na akong naghanap ng masasakyan. Pinuntahan ko ang lugar na sinabi noong nakausap ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra.
Nang makababa ay tumakbo na agad ako sa loob ng ospital at hinanap ang kapatid kong si Yael.
"Kuya!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nag-aalala akong lumapit sa kanya.
"Yael! Anong nangyari? Bakit siya nag-collapse?"
"Kuya, muntikan na kaming masagasaan ng truck.. Natapos kasi 'yung laman ng basket kaya pinulot namin. Hindi naman kami nasagasaan, kinabahan lang si mama kaya biglang inatake." Paliwanag ni Yael.
"Kasi naman, Yael! Mag-iingat kayo! Huwag kayong basta-basta tatawid o haharang sa kalsada. Hayaan nyo yang laman ng basket nyo! Mas mahalaga ba 'yan sa buhay nyo?"
"Hindi kuya. Sorry."
Nung lumabas ang doctor mula sa kwarto ni mama ay nilapitan ko kaagad ito at tinanong kung maayos na ba ang kalagayan ni mama.
"Maayos na sya. Actually pwede na syang ma-discharge later para hindi lumaki ang bill nyo. Na-shock lang ang mama mo kaya tumigil ang pahcirculate ng dugo nya. Kaya sya nag-collapse. Pero ok na sya. Hindi nyo na kailangang mag-alala masyado. Paki-iwasan na lang muna niya ang pagkilos ng mabilis at pagbubuhat ng mabibigat."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.
"Salamat po."
Medyo nabawasan ang pangamba ko dahil hindi naman pala ganun kalala ang nangyari kay mama. Naunahan lang ako ng emosyon ko. Na-blangko kasi ang utak ko inunahan ako ng takot noong marinig ko na nasa ospital si mama dahil nag-collapse.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...