K E N
I received a text message from Renz. Ang sabi niya, magkita raw kami doon sa lugar na pinuntahan namin dati. 'Yung damuhan. 'Yung lugar kung saan sinabi niya sa akin ang lahat ng gusto niyang sabihin. 9 pm. May mahalaga lang daw siyang sasabihin sa akin.
Hindi ko alam kung anong naisip niya. Ang daming bakanteng oras kaninang hapon, talagang alas nuwebe pa ng gabi niya binalak makipagkita sa akin. Napakahalaga ba ng sasabihin niya?
Nandito ako sa aking higaan. Ang dami kong iniisip. Isang araw lang ang lumipas pero ang dami kong nalaman. Ang daming sikreto ang na-reveal na hindi ko malaman kung dapat ko bang ikatuwa o hindi.
Napatingin ako sa orasan. It's already 9:45 pm. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at kinuha ko ang jacket ko at mabilisang isininuot. Kinuha ko rin amg sumbrero kong nakasabit sa may dingding at lumabas na ako ng bahay. Mabuti na lamang at maagang nakatulog si nanay at Yael. Hindi na nila ako mapipigilang lumabas.
Naglakad na ako papunta sa sinabi niyang lugar. Medyo may kalayuan pero dahil mabilis naman akong maglakad at marami nga akong iniisip, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako. Saka ko lang nalaman nang mapansin kong puro puno na ang nadadaanan ko.
Pagkarating ko ay nahagip kaagad ng mata ko si Renz. Nakaupo siya at nakatabi sa kanya ang isang malaking teddy bear. Anong ginagawa niya?
Medyo lumapit pa ako pero hindi muna ako nagpakita sa kanya. Nagtago muna ako sa may likod ng puno hanggang sa sobrang lapit ko na sa kanya. Akala ko ay basta nakaupo lang siya. Nang marinig ko siyang magsalita.
"Teddy, ito na ang huling pagkakataon na hihilingin ko ang pagmamahal niya. Alam kong malabo na pero umaasa pa rin ako." Rinig kong sabi niya at saka niya kinurot sa pisngi ang katabi niyang bear.
Natigilan ako. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinapunta ni Renz dito.
"Totoo ang nabasa ko. Na kapag nagmahal ka, akala mo puro saya na lang ang mararamdaman mo. Hindi pala. Masasaktan at masasaktan ka pa rin. Kagaya ng nararamdaman ko ngayon. Teddy, sa'yo na lang ako magw-wish. Akin na lang si Ken, please. Ok lang ba?" Dagdag pa niya.
Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon.
Napapikit ako. Walang mangyayari kung magtatago lang ako dito. I owe Renz so many things. Hindi niya deserve ang paghintayin ng matagal at ang paasahin ng ganito.
I heaved a sigh at nilapitan ko na siya.
"Renz!" Tawag ko sa kanya.
Nilingon niya ako at ngumiti siya, "Uy, Ken!"
"Sorry, super duper late." Sabi ko.
"No, ako dapat ang magsorry. Sinundo dapat kita. May pinuntahan kasi ako saglit kaya napadiretso na ako dito. Mabuti na lang at dala ko na itong si teddy." Sabi niya.
Ngumiti ako. "Ok lang. Hindi naman sobrang layo."
"Uhm, kanina ka pa ba? May narinig ka ba na sinabi ko kanina?" Tanong niya.
Medyo napatawa ako. "Haha, oo. Kanina pa ako nandiyan. Pinagmamasdan kita. At oo, narinig ko rin ang sinabi mo. Para kang baliw, kinakausap mo 'yang higanteng stuffed toy."
He laughed awkwardly, at napakamot siya sa batok niya. "Alam mo, gusto kong mainis sa'yo but at the same time, mabuti na rin na narinig mo ang sinabi ko. Dahil totoo ang lahat ng 'yon."
"Renz--"
"I tried, Ken. Sinubukan kong sundin ang sinabi mo sa akin noon. Sinubukan kong magmove on. Akala ko kapag nawala ako at umalis, makakamove on ako. Akala ko makakalimutan kita. Pero hindi eh. Sa halip na makalimutan ko ang nararamdaman ko sa'yo, lalo pa kitang na-miss." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...