K E N
Parang gusto ko ulit mag-umpisa mula sa simula.
Gusto kong magsimula muli.Things has keep on happening. Ang dami, ang bilis. Gusto kong suriin ang bawat detalye ng mga nangyayari pero hindi ko magawa dahil nadadagdagan na naman.
Bumalik tayo sa umpisa. I am just a stupid bored neighborhood, went into a crowd fight, pumasok sa school, umuwi, sumakay sa jeep then I encountered Vincent Saavedra.
He annoyed me. We exchanged IDs. Ang sama-sama ng ugali nya.
Then my bestfriend Renz confronted his feelings towards me. Sobrang na-overwhelm ako pero wala na akong nagawa dahil wala na akong nararamdaman sa kanya bukod sa pagmamahal na lang bilang kapatid o kaibigan.
Pagkaamin niya, umalis siya. Iniwan niya ako. Ang saya, ang galing.
After that, I met Paul. Siya ang naging time consumer ko dahil iniwanan na ako ni Renz. At dahil sa kabaitang ipinamamalas ni Paul, sa sobrang rupok ko, I fell inlove with him.
And then, upon admitting my feelings towards him, malalaman ko na lang bigla na wala palang Paul na nag-eexist. Dahil si Paul, ay si Vincent.
Ayun pa lang...ayun pa lang. Sobrang bilis na. It's so sudden. Wala akong masabi. Ngunit wala rin akong magawa if that's whats meant to happen.
I like Paul. Does that mean I like Vincent as well? Alam kong eventually, ganoon din ang mangyayari. What's blurry for me until now ay kung gusto rin ba ako ni Vincent.
At kung oo, paano nagsimula? Kailan? Bakit hindi ko alam?
Bakit napaka-unpredictable niya?
Tapos ngayon, ito. Sa sobrang complex ng nangyayari, tambak na ang mga tanong na gusto kong ibato kay Vincent.
Sa ngayon ay nandito kami sa kanyang kwarto. Hawak-hawak pa rin niya ang papel na nakita niya kanina sa may lamesita. Wala pa akong ideya kung ano ba ang nakasaad sa papel na 'yon, but I know, that's something that makes Vincent so confused.
"Vincent, a-ano 'to? Anong nangyayari?" I asked him.
Parang kahapon lang nasa party pa kami. Parang kahapon lang, nalaman ko na iisa siya at si Paul. Parang kahapon lang, kumanta siya sa stage at na-realize ko na ako pala ang pinatatamaan niya noon. Tapos ito na.
Bumuntong hnininga si Vincent. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Blangko ito. Unti-unti siyang tumingin sa akin.
"Ipapakasal ako sa isang taong hindi ko gusto. The thing is, I love you." Sabi niya habang nakatingin siya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang dami ko nang gustong itanong sa kanya, dinagdagan pa niya.
"Oo alam ko, ang bilis. Pero wala eh. Wala akong nagawa kundi mahulog sa'yo. I don't know, I can see most resemblance between you and Lhor, it's just that you made me fall for you harder than I fell for him. At napakatanga ko para idaan iyon sa pamamagitan ng pagpapanggap at panunuplado ko sa'yo." Paliwanag niya.
Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"This paper, it states here na zero investments na ang business ni dad. Wala nang gustong makipagpartner sa kanya. I think, that's why napapansin kong stress siya lately. Then Lhor's dad offered a partnership with my dad but in one condition -- kailangan kong magpakasal sa isa pa nilang anak na si Lionne. At alam ko kung anong pakay nila. Wala talaga silang balak tumulong. Dahil pagkatapos nilang sipsipin ang business ni dad at magkaroon ng koneksyon sa pagitan ko at ni Lionne, saka naman nila kami sisirain bigla. Dahil gusto nilang gumanti. Gumaganti sila sa akala nilang kasalanan ko. At hindi ako papayag --"
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...