K E N
Lahat tayo ay may tinatagong sikreto. 'Yung iba sa atin, pinipiling itago na lang 'yun hanggang sa ma-anxious tayo ng ma-anxious at, no choice, tayo rin mismo ang aamin ng sikretong 'yun. 'Yung iba naman, ayaw nilang sila lang ang nakakaalam kaya naman sinasabi nila ang kanilang sikreto sa mga pinagkakatiwalaan nilang kaibigan, kamag-anak, o iba pang kakilala. And then, sasabihin din nung kaibigan o kamag-anak niya sa iba pa nilang kakilala. Ang ending, nalaman din ng lahat.
Because all secrets are meant to be revealed in any form or means. Ikahiya man natin ito, ika-proud, ika-galit o ika-depress, if that's what meant to happen, wala tayong ibang magagawa kundi tanggapin iyon. Dahil aminin man natin sa sarili natin o hindi, ang mga nabubunyag na sikreto ay nagdudulot sa atin ng kaginhawahan at parang nabubunutan tayo ng tinik sa dibdib.
Sa kaso ko, ang dami kong nalamang sikreto. Ang daming nabunyag na mga lihim. Simula pa lamang ng aking kwento ay hindi ko na mabilang ang mga bagay nalaman ko. Simula sa doubt ko na hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko, hanggang sa makilala ko ang dalawang tao.
Si Paul at Vincent. Then afterwards, I discovered they are the same person. At hanggang sa malaman ko na totoong ampon lang ako. Ang ironic, 'diba? Kung tutuusin parang ang layo sa reality ng nangyari sa akin. But I can't do a thing para pigilan ang lahat ng nangyari. Dahil para akong nasa loob ng isang kwento na hindi ako ang nagpapatakbo -- kundi ang aking manunulat.
"A-ang ganda mo na.. Mana ka talaga sa akin," sabi ni nanay kay Lionne.
Lionne just smiled.
Nandito na kami sa bahay at kakauwi lang namin galing sa hospital. Dinala nila ako dahil sa mga sugat at pasa ko. Pero dahil kaya ko namang pagalingin ang sarili ko, hindi na rin ako nagtagal doon at umuwi kami.
"P-patawarin mo sana ako, Jenn. Kung alam mo lang kung gaano kami nagsaktan nung akalain naming nawala ka dahil sa sunog. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na buhay ka at nasa harapan namin." Sabi pa ni nanay.
Nalaman na ni nanay na si Lionne ang hinahanap niyang panganay niya. She's the Jenn she was looking. Nai-kuwento na rin kasi ni Lionne that she knew that her parents are alive kaya naman hinahanap na niya ang mga ito. And I'm somehow glad that she already found them.
"N-nay, tay, ang tagal ko na kayong hinahanap. Paanong hindi ko pa kayo mapapatawad ngayong ako nga mismo ang gumawa ng paraan para mahanap kayo?" Sabi ni Lionne at niyakap niya si papa at nanay.
Nagkatinginan kami ni Yael. Nginitian niya ako. Sobrang tagal kong hiniling na sana bumalik na si papa sa amin at magkaayos na sila ni nanay. I can't believe na nasasaksihan ko na 'yun ngayon. Kaya lang, I feel like I don't belong in this family anymore.
Nung nalaman ni Yael na hindi kami tunay na magkapatid, niyakap niya ako ng mahigpit at nagalit siya kay nanay. Hindi daw kasi sinabi sa kanya. Hindi rin nya matanggap na hindi kami magkapatid. Pero pinaliwanag rin ni nanay ang lahat at naliwanagan na rin naman si Yael.
Si papa naman, umalis siya dahil sa galit kay nanay pero hindi daw siya nangibang babae. Naghanap lang siya ng trabaho at hindi daw niya alam na magiging ganoon kadilim ang kanyang gagawin. Well, he's not aware at all ngunit dahil wala na daw siyang magawa, ipinagpatuloy na niya ang pagtatrabaho sa kamay ng mga Gutierrez bilang isang body guard.
Masaya ako na bumalik na siya. Masaya ako na nagkaayos na sila. Parang despite all of the secrets revealed, kuntento pa rin ako dahil nangyari na sa wakas ang gusto kong mangyari.
BINABASA MO ANG
His Deepest Secret ☑️
Humor[BXB] 🟢 When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was charming, gorgeous inside and out, hot and kind -- all at the same time. But that first time a...