[18] Natunaw

4.2K 223 10
                                    

V I N C E N T

"Maraming maraming salamat sa lahat, Lhor." Bulong ko at ipinatong ko ang bulaklak na dala-dala ko sa kanyang lapida.

Matagal na panahon na rin simula noong mawala sya. At iyong araw na 'yon --isa sa mga araw na pinaka-hindi ko makakalimutan. Napakaraming beses akong nasaktan pero iyong araw na iyon ang pinakamalupit.

Parang namatay rin ako sa sobrang sakit na naramdaman ko. Bukod sa palagi akong nagpapalamon ay sinisisi ko rin ang sarili noong panahong iyon.

Hindi ako makatulog gabi-gabi. Para akong naligaw sa sarili kong landas. Gabi-gabi akong nagpapakalasing, nagpapakalunod sa sakit.

Pero ngayon -- hindi na. Ayoko nang masaktan. Ayoko nang ituloy ang pagtatayo ng malaking harang sa sarili ko. Tama si Ken sa sinabi nya noon.

"Walang magagawa yang pag-iyak mo. Hindi na niya maririnig yan. At kung sakali man na naririnig niya, sa tingin mo matutuwa siyang nasasaktan ka dahil sa kanya?"

"Marami kang mararanasang pain sa buhay. At nasasaiyo kung magpapalamon ka sa sakit o ipagpapawalang-bahala mo na lang. And I'm telling you this. Nakakamatay ang sobrang pain. Nakakawala ng sarili. Try mo mag move forward. Huwag kang magpalamon. Labanan mo. Kasi alam mo, problema rin ang dahilan ng panibagong problema."

Ayoko mang isipin o paniwalaan pero si Ken -- siya ang nagpabago sa pananaw ko. Ang dami na nyang nasabi sa akin na naging dahilan upang mabago nya ako. At oo, gusto ko syang pasalamatan.

Kaya ngayon, tutuparin ko na ang sinabi sa akin noon ni Lhor na kahit ako, akala ko ay hindi ko magagawa.

"I love you, Vince. Hindi tayo para sa isa't isa kaya nangyari ito. Hanapin mo ang tamang tao na para sa'yo. Please be happy without me. Ayan ang huli kong hiling."

Alam kong hindi ako kailanman magiging masaya na wala na siya. Pero ngayon, unti-unti ko nang natatanggap na baka hindi talaga kami ang nakatadhana para sa isa't isa. Dahil kung kami talaga, sa tingin ko hindi mangyayari ang bagay na 'yon.

Tama na 'to. Tama na 'tong pagt-torture ko sa sarili ko. Babalik na ako sa dati. Tatanggalin ko na ang lahat ng pain na tila bumagyo sa puso ko.

I have to start. I have to open my heart for something new.

Tingin nyo, dapat ko na bang tuparin hiling ni Lhor na hanapin ang taong talagang para sa akin? Ang maging masaya kahit wala siya? Kaya ko ba?

Kaya ko.

"Lhor, nahanap ko na siya." Sabi ko sa harap ng lapida ni Lhor.

The moment na masabi ko iyon, parang biglang nawala ang lahat ng bigat sa puso ko.

"Ang presensya nya, ang ngiti nya, kada makikita ko -- hindi ko namamalayan na gumagaan na pala ang pakiramdam ko. He's dangerous. Nalaman ko na kaagad sa sarili ko na mukhang madedelikado ako sa tabi nya. Para siyang isang bangin na delikado dahil kahit anong oras, maaaring mahulog ako. At ganoon na nga ang nangyari. Lhor," I gently touch the engraved name on his grave, "I wanna say sorry and thank you. Sorry sa nagawa ko. Sorry dahil naiwala kita. At higit sa lahat, salamat dahil hinayaan mo akong magsimula ulit ng panibago."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, a smooth, and gentle wind has embraced me. It is like Lhor has already responded to me wholeheartedly.

Tumayo na ako. At pagtayo ko, nakita ko mula sa malayo si Lhor. At kagaya ng dati, ganung-ganon pa rin ang ngiti nya. Ang mukha niya. Ang pagkakatayo niya. Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit.

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon