Chapter Two
Ivory's POV
"Hey Philip!" takbo agad ako sa table ni Philip. Mukhang hinintay niya ko. Oh so thoughtful! Kaya loves na loves ko tong bestfriend ko eh.
"Ohh... buti naman kasabay na kita sa lunch. Kumusta ba first day mo kahapon? Hindi man lang kita nakamusta." tanong niya bago niya ko tinulungan sa libro ko. Naupo muna ko bago ko binaba sa tabi ko yung bag ko.
"Eh pasensya ka na nga pala, tinawagan kasi ako nun ni ma'am Gertrude, inaya na rin ako maglunch. Nahiya naman akong tumanggi. Eh ang bait bait niya sakin. Di tuloy kita nasabayan maglunch. Pero okay naman ako kahapon. Naninibago lang. Puro kasi sosyal mga classmates ko di katulad dun sa dati kong school. Pero okay naman. Kayang kaya. " simula ko ng kwento. Ngumisi lang siya habang binubuklat yung libro ko.
"Okay lang. Wag kang mag alala.. makakasanayan mo rin yan kung araw araw mo rin silang nakikita. Ikaw pa. Baka ilang araw lang marami ka nang kaibigan. Kaso di ko maimagine na kasama mo mga sosyal." sabi niya sabay kindat. Napaisip tuloy ako. Tama. Hindi nga bagay sakin ang magpakasosyal. Bubuka ang langit at lupa pag nangyari yun. Manapa maging madre. Ano nga kaya kung pinursigihan ko? Malamang wala ako dito ngayon. Hmmm...
"Ikaw ba? Marami ka na bang friends dito?" tanong ko. Wala pa siyang naipapakilalang kaibigan sakin ni isa. Masyado din kasing seryoso sa buhay niya itong si Philip. Sabi niya nga kailangan niyang mag-try hard para makagaduate at makahanap ng trabaho. Unlike me.. he have a clear view for his dreams. Ako? Medyo nahihirapan pa magdecide.
"Marami? Tss.. konti lang. May ilan naman akong kaklase na mababait kahit mayayabang at mga spoiled brat pero hanggang pagiging magkaklase lang ang turingan namin. Pero sabi ko nga mababait naman sila. It's just that they wanted to be friends with their own kind. Naiintidihan ko naman." magkapareho talaga kami ng pananaw nitong si Philip. We see through what naked eyes can see. We like digging the personality sa bawat taong nakakasalamuha namin. Kami yung tipong nakukuha ang atensyon ng taong ayaw ipakita ang kabaitan.
Siguro dahil parehas kaming laki sa ampunan. Parehas kaming pinalaking hindi mapanghatol. Wala kaming karapatan. Dahil hindi naman namin naranasan ang nararanasan ng iba. Ang pakiramdam ng may iba't ibang klaseng magulang at mga kapatid. Ng yaman na hindi nila alam kung paano uubusin. At ng mga taong naghihirap na ngunit ayaw pa rin ipakita sa mga tao kaya nagpapanggap pa ring myembro ng elite group.
"Tara order na tayo?" sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa counter. Si Philip na ang nagdala ng parehas naming lunch. Gentleman siya. Ang mga gaya niya? Malapit nang ma-extinct sa mundo. And I'm lucky to have one as my bestfriend. At maswerte ang babaeng makakatululyan niya. Bukod sa masipag, mabait, at maaalalahanin ang bestfriend ko, matalino pa siya. It's a total package. All in one.
"Yung crush mo nga pala? Nakita mo na ba siya ulit?" tanong ko sa kanya bago sumubo ng pagkain. Kahit naman ayokong naiinig ang pagiging kawawa niya syempe curious din ako kung ano nang level ang un-requited love niya. If I could I help, really, I will do my best.
BINABASA MO ANG
Have You Heard The Rumors?
RandomHave you ever trusted someone your life's top secret? Have you ever thought they are the best ones to rely on? Think again. Cause most of the time.. the careful you are, the danger it gets. Sa buhay ko, ako lang ang masusunod. I don't live my life p...