Chapter Eight

273 5 1
                                    

A/N: This update is quiet long. I hope it won't bore a reader. And also, get ready for some grammatical and typo error. Kahit tagalog nagkakamali pa rin ako ehh. HEHEHE!

Enjoy!

--

Chapter Eight

Ivory's POV

"Kumain muna tayo." aya sa amin ni Marcus habang abala kami ni Philip sa pag-rereview. Tumayo ako agad at dumiretsyo sa kusina. Hindi ko na kasi matagalan yung pagtitig ni Philip sakin. Napupuna na yata niya yung bahagyang pag iyak ko kaninang hapon. Wala na talaga akong maitago sa kanya.

"Ikaw ba ang nagluto, Marcus?" tanong ko nang bahagyang nilalagyan ng masayang tono.

"Hindi. Ako lang ang nagprepare, si Ipe talaga ang nagluto." sagot niya habang paupo na. Ngumiti siya ng makahulugan habang papalit palit ang tingin samin ni Philip. I felt something awkward. But I set those thoughts aside. Tumabi nalang ako sa pagkakaupo ni Philip.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ni Ipe sakin habang iniaabot yung bowl ng kanin. Tumango ako. Nakakahiya man kay Marcus pero kailangan ko na rin kasing magreview ng maayos kasama ni Philip. Para kung may ilan man akong hindi maintindihan ay may mapagtatanungan ako. Kung sa mga Gonzales man ako umuwi at magreview wala rin naman akong mapapagtanungan.

"Dito nalang ako sa sala matutulog. Doon ka na sa kwarto ko." sabi ni Philip habang seryosong kumakain.

"Okay lang ako dito sa sala..." sabi ko starting to build angry stares from Philip.

"At saka mag-uusap tayo mamaya." sabi niya na nakapagpatahimik sakin. Seryoso ang tono niya sa pagkakasabi niya nun. Punung puno ng authority. Bumuntong hininga nalang ako. Nakita ko pang naiiling na nakangiti si Marcus. Namali pa ata ang timing ng pagpunta ko rito.

---

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiyak?" pag oopen up niya ng topic. Sabi ko na nga ba alam niya at nahalata niya ehh. Kaya kanina pa siya nakatitig. Ehh! Nakakainis naman. Ngayon kailangan ko pang magkwento! Hindi ko naman pwedeng sabihing napuwing lang ako. I can never lie to him.

"Tulungan na nga kita jan." sabi ko changing the topic. Sobrang drama ko kasi kanina. Hindi lang magugustuhan ni Philip ang dahilan.

"Ivory, please. Seryoso ako. Alam mo naman na ayaw kong may nagpapaiyak sayo. Sabihin mo na kung anong nangyari." I guess I'm caught.

"Wala lang yun. Hindi ko lang kasi napigilan na umiyak habang nakikipagusap kay Hemithea. May mga nasabi akong hindi na niya dapat malaman eh. Iniisip ko tuloy ngayon baka lalo lang siyang mainis sakin." with that he looked away. Naupo siya sa sofa na kakatapos niya lang ayusin. Tumabi ako sa kanya.

"So what exactly did you tell her?" tanong niya. I know he will be curious. Cause he knows the whole part of the story.

Have You Heard The Rumors?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon