Chapter Four

314 9 0
                                    

Chapter Four

Bakit ba lagi nalang akong napapag initan? They didn't even wanna let me finish. Walang may balak magtanong kung ano talagang nangyari. They just assumed everything. Assumed that I did wrong. Err!

"Hemithea!" pagkalabas na pagkalabas ko ng dean's office tumambad agad sakin ang tumatakbong si Ivory. She seems alright now. Pero halatang maga pa rin ang pisngi.

  

Ohh.. who cares? Whatever!

"Hemithea.." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Saka ako ngumiti ng makahulugan. I really hate this girl for being too weak.

"You seem alright now. Good for you." sarcastic kong sabi saka tumalikod na. This girl still have the guts to talk to me. Inuna niya pa ang magpunta ng infirmary kaysa tulungan akong sabihin sa mga walang kwentang teacher ang totoong nangyari.

"Sorry Hemithea. Napagbintangan ka nang dahil sakin. Wag kang mag alala.. kakausapin ko sila para malaman nila ang totoo." nilingon ko siya na ngayon ay papunta ng dean's office.

Oh well.. suit yourself.

Aasa pa ba akong maniniwala sila kay Ivory?

They probably will think I forced her to say I have nothing to do with it. What an expected form of events. Fascinating. Tsss!

*Click

Napalingon ako with an automatic glaring eyes. Herrera! When will you learn?

"No one's around. So we're free to talk?" I don't know how he manage to took off his fear. Hindi ba siya natatakot sa tingin ko? Do I look like someone good at talks?

"If I had a gun.. I should've shoot you right now." sabay irap ko saka aktong aalis ng harangan niya ko. "You're blocking my way, stupid." itinulak ko siya palayo. Sapat lang para makadaan ako.

"Gusto ko lang iabot to sayo." huminto ako ng pigilan niya ko sa braso pero agad ring binitiwan. "May exhibit kami sa Saturday. Sana makapunta ka." tinitignan ko lang ang ticket na iniaabot niya. I smiled wickedly. "Wala akong mapagbigyan. Naisip ko.. sayo nalang." yung isang kamay na ginagamit niya sa pagaabot ngayon dalawang kamay na.

"Bakit hindi mo kay Genevive ibigay yan?" sabi ko ng makahulugan. Binaba niya ang kamay niya. Napakamot siya sa batok niya tsaka ngumisi.

Have You Heard The Rumors?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon