A/N: Nasatisfy na ko sa nilagay kong cast. May mga characters pa ulit na darating.
Yun lang. Read...
-----------
Chapter 11
"Sh*t." hingal na hingal kong bulong habang nakasandal yung isang kamay ko sa pader. Sa pagkakataong ito parang gusto ko ata talagang batukan si Lawrence ng malakas. He dragged me, running behind Ivory. He too overreacted when those kids called Philip and Ivory out. As if matagal na niyang kilala yung batang may sakit.
"Critical na yata yung bata." tinignan ko nalang ng masama si Lawrence na walang balak akong sulyapan. Nakasilip sya sa bahagyang nakaawang na pinto. Bahala siya. Wala akong balak alamin kung anong lagay nung bata. As if I care?
"Okay ka lang ba?" then now he noticed me. Malapit na talaga siyang tamaan sakin. Nagtitimpi lang ako.
"Excuse me, hijo." may doctor na dumating kasama ni Philip kaya lumabas ng kwarto yung ilang mga bata. Nanatili pa ring sumisilip si Lawrence mula sa labas. Sumandal ako sa pader nang nakahalukipkip. Napabuntong hininga kong inalis kay Lawrence ang masama kong tingin.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko kay Lawrence pero sa mga bata ako nakatingin. Napansin ko kasi yung tamlay at lungkot sa mga mata nila. May ilan rin na punong puno ng pag aalala sa kaibigan nila. I released a deep sigh. Nakakaawang mga bata. And by that I mean they're hopeless.
"Nakakaawa kasi siya. Ang bata niya pa para maranasan ang ganyan kabigat ng sakit." Natahimik ako. Nawala ang pansin ko sa mga batang mga nakaupo sa sahig. "Kwento ni Ivory, isang taon na mahigit lumalaban yung bata sa brain tumour-stage three. Puro lang daw siya chemotheraphy. Wala pa kasi silang pera para sa operasyon." tumingin sakin si Lawrence ng may makahulugan. Nagkunwari akong hindi nakikinig. Then I heard him smirk.
"Any flashbacks?" pagbibiro niyang sabi. Buntong hiniga lang ang isinagot ko sa kanya. Sa pagkakataong ito, hindi dahil sa ayoko lang pero dahil wala akong masabi. Flashbacks? I shouldn't have them or I'll just get pissed.
"Mamaya lamang ay magigising na siya ulit. Gaya lang ng nakasanayan, pagpahingahin niyo siya at mamaya'y babalik nanaman ang sigla niya." narinig nalang namin ni Lawrence na palabas na ang doctor at sina Ivory. Pagkaalis na pagkaalis ng doctor ay isinara naman nila ang pinto ng kwarto.
"Okay ka lang ba?" kumusta ni Lawrence kay Ivory. I just stared at her, checking her from head to toe. She looks exhausted. Wala siyang maisagot kay Lawrence kundi ang matamlay na ngiti. My eyebrow raised in an instant. Why do she have to force herself to smile? Tss...
"Ate Oring, kumusta na si Belai?" tanong ng isang bata. Nakapalibot silang lahat samin na kinaiinis ko.
Ivory tried composing herself before turning to the kids. At ayan nanaman ang ngiti niya. Forced smiles. "Uhmm.. magiging okay na si Belai sabi ng doktor." I can't believe how good she is in forcing herself to talk like it's okay. "Pero.. kailangan muna niyang magpahinga ulit hah? Para sumigla siya ulit. Bukas, pwede na natin siya kulitin. Sa ngayon balikan muna natin yung ginagawa natin kanina,hah? Okay ba yon sa inyo?" then she laughed with the kids. Giving them false hopes.
BINABASA MO ANG
Have You Heard The Rumors?
RandomHave you ever trusted someone your life's top secret? Have you ever thought they are the best ones to rely on? Think again. Cause most of the time.. the careful you are, the danger it gets. Sa buhay ko, ako lang ang masusunod. I don't live my life p...