Chapter Fifteen

103 4 0
                                    

Chapter 15

"Sabay pong umalis sina ma'am at sir kanina pero magkaiba ng gamit ng sasakyan. Tatawagin ko na ho ang mga maids para ilabas ang mga pagkain." namalayan ko nalang na nasa likod ko na ang mayordoma habang nakatayo ako malapit sa mahabang mesa. Maya maya'y umalis na siya at dumiretsyo sa kusina.

I stared at the table setting for while. Kung papansinin napakalaki ng mesa na to para sa isang tao lang.

Habang papalapit ako sa hapag, unti unting nagfa-flashback sakin ang mga panahon na nag-stay kami sa orphanage nila Ivory. Nung mga panahong akala ko maingay lang at nakakainis ang mga tao doon. Yung mga batang magugulo at laging naghaharutan.

Naupo ako habang pinakatititigan ang mga kubyertos.

Sa orphanage, halos magkaubusan sila ng mga kuyertos pero ang nasa harap ko ngayon hindi lang isang pares.

Sabi ko na nga ba, dapat hindi na ko nagbabakasyon. Kahit anong pigil ko, hindi ko magawang makalimutan ang mga bagay na nakapagpagaan ng loob ko kahit papaano.

"Ma'am may kailangan pa ba kayo?" nakuha ng mayordoma ang atensyon ko. Umiling ako sa tanong niya nang mamalayan ko na nasa harap ko na ang mga pagkain. Magalang siyang umalis kasama ng ibang mga maids.

There's no point on becoming this sad. Kinuha ko na ang mga kubyertos. Pumikit ako at malalim na bumuntong hininga. Pagdilat ko saka ko nakita ang realidad. And so I started eating.

Tahimik akong kumakain nang may nagbukas ng pinto mula sa kusina. Napahinto ako sa pagsubo nang makita ko siya. May hawak na plato si Ivory na may lamang pagkain. Mukhang hindi niya namalayan na nandito ako.

Ibinaba niya yung plato sa mesa na katapat ko at naupo. Sa haba ng mesa hindi niya napansin na nasa kabilang dulo lang ako katapat niya.

Tumikhim ako na ikinatingin niya sakin. I smiled sarcastically. "How dare you sit in my dining table?" hindi ko mapigil ipakita ang amusement sa mga ngiti ko. Nakanganga pa siyang nakatingin sakin.

"Ay, sorry. Hindi ko alam na..." hindi siya magkandamayaw sa pagliligpit ng mga dala niya at nagmamadaling tumayo.

"It's okay. FInish your meal then get out." sabi ko nang hindi sa kanya nakatingin. Nagpatuloy lang ako sa tahimik kong pagkain. Narinig ko ring binaba niya ulit ng dahan dahan ang dala niya at nanahimik sa pagkain.

"Ahmm~ Hemithea?" I guess I'm getting used to her being so annoying kaya nagawa kong pigilan ang pagsusungit.

"Hmm?" tanging sagot ko.

"Pwede ba kong lumapit sa kinauupuan mo? Ang layo kasi natin sa isa't isa..." napahinto ako sandali sa tanong niya. I don't know what made me stop.

"Whatever, just don't bother me." hindi ko pa rin siya tinitignan, basta nararamdaman ko lang nalumapit na nga siya sa akin at naupo sa pinakamalapit na upuan next to my seat.

Have You Heard The Rumors?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon