Chapter Six

241 8 3
                                    

Chapter Six

"Hahaha. C'mon guys. Nung isang araw lang itong si Marcus lang ang emo. Ngayon naman pati na rin ikaw Philip? Ano bang nangyayari sa inyo?" I turned to the next page of the book. Hindi ko namamalayan sabay pala kaming nagbubuklat ni Marcus. And that he's studying too. Iba na nagagawa ng panahon. Nag aaral na si Marcus? That's new. But I'm not in a mood to point it out now.

"Malapit na kasi finals." sagot ko nalang kay Lawrence bago to maupo sa tabi ni Marcus. Bumuntong hininga akong bumaling sa binabasa ko. "Wag mo nang guluhin yang si Marcus, baka mamaya mausog yan, hindi pa magreview." sabi ko ng walang gana. Narinig kong ngumisi si Lawrence.

"Sige na nga. Magrereview nalang din ako." ilang saglit din kaming tahimik ng hindi nakatiis si Lawrence kaya nangungullit nanaman.

"Philip." hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si Ivory. "Hi Marcus. Hi.. uhm.."

"Lawrence." sabat ni Lawrence with a slight tone of excitement. Tama ba pagkakarinig ko?

"Lawrence." ulit ni Ivory. "Uhh Philip kanina pa kita hinahanap eh. Hindi na ko nagload, sayang kasi eh. Sasabihin ko sana na hindi na matutuloy yung review natin mamaya. Walang akong oras. Maraming akong gawain. Sana okay lang sayo." marahan lang akong tumango. Then Lawrence caught my attention. Bakit parang ang lagkit ng tingin niya kay Ivory? It seems as if..

"Ahh sige, I have to go. Tuloy niyo lang review niyo. Bye!" I waved back to Ivory and turned to Lawrence again. Nakangiti rin siyang kumakaway kay Ivory.

"Magkakilala pala kayo?" tanong ni Lawrence ng may kakaibang ngiti.

"Oo. Sabay kaming lumaki sa bahay ampunan." sabi ko habang nililipat sa susunod na pahina ang librong binabasa ko. Sumulyap ulit ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya kay Ivory habang palabas ng library. Nang nakangiti."Anong ngiti yan? You like her? May girlfriend ka na Lawrence. Pinapaalala ko lang. Tss. Hindi ka pa makuntento, almost perfect na nga siya eh. Stop it before you hurt her." sabi ko out of the sudden. Suddenly I want to defend Hemithea. Nanahimik nalang ako ng makita kong ngumiti siya ng makahulugan.

I cleared my throat. By his stares I can tell. Nawala na ang mga ngiti niya ng titigan niya ko ng mabuti. Seryoso ang mukha niyang malayong malayo sa Lawrence na kilala ko.

"Alam mo Philip.. kahit tumingin ako sa ibang babae at magustuhan ko man sila, hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko kay Thea. Hindi ko siya ipagpapalit kahit na kanino at hinding hindi ko siya sasaktan. Mahal na mahal ko siya. Higit sa lahat. At walang sino man ang makakapantay ng pagmamahal ko na yon para sa kanya. Kahit sino pa." biglang nabuhay ang natutulog kong mga dugo nang sabihin niya yun. Ngayon kahit atensyon ni Marcus nakuha niya nang dahil sa sinabi niya. He's so serious while saying those words as if he really mean it. Bahagya akong aalerto.

Para bang habang sinasabi niya yun, ipinararating niyang nahalata niyang may gusto ako kay Thea. Mukhang kinikilala niya talagang mabuti ang mga kaibigan niya. And this time hindi na ko nakaligtas sa galing niya ng pagkilatis.

Have You Heard The Rumors?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon