Chapter 1

50.9K 832 16
                                        

ALI

"Very well then, since we had a deal. Ipapadeposit ko na lang sa bank account mo ang bayad. I really like the design, magugustuhan yan ng asawa ko for sure." Mrs. Reyes said while giggling. Newly married lang siya kaya ganun na lang ang excitement. Well, para sa akin simply lang yung design na pinakita ko sa kanya pero she immediately liked it plus kunting dagdag sa mga suggestions niya and it's a deal.

Matapos ang kunting kwentuhan with her i immediately went to the resto's parking lot to drive myself home. Im excited to see my little angels.

An hour later ay nakarating na din ako. Pagkapark ko pa lang sa kotse ko ay agad na akong tumungo sa sala pero wala sila. Usually naman naaabutan ko sila sa sala pagkauwi ah.

"My little angels..yowhowh mommy's home..." pagtawag ko sa kanila but there is still no response.

"Iris..."

"Sam.."

"Yaya Koring.."

"Manang Sol..."

Tawag ko na isa isa sa mga kasama ko sa bahay pero walang sumasagot.

Kinabahan na ako ah. Patakbo akong pumasok sa dining hall at ganun na lang ang gulat ko sa naabutan ko.

"Happy Birthday Mommy!" sabay na sigaw ng little angels ko. Natutop ko ang bunganga ko dahil sa katotohanang nakalimutan ko ang sarili kong birthday at higit sa lahat ay nag-effort ang angels ko para lang isurprise ako.

Pinahawak ng dalawa ang cake na hawak nila kay Yaya Koring at Manang Sol saka sila tumakbo para yakapin ako.

"Happy Birthday Mommy. I love you..." sabay pang bati nila. Kaya di ko maiwasang maluha.

"Thank you my little angels. Mahal na mahal din kayo ni Mommy..." sagot ko naman sa kanila saka ako kumalas mula sa pagkakayakap nila. Agad ko namang pinahid ang aking mga luha at ngumiti sa kanila.

"Mommy why are you crying po?" nag-aalalang tanong sa akin ni Iris.

"Ayaw niyo po ba sa surprise namin?" nakasimangot namang tanong ni Sam.

Aww my angels are so cute...

"Syempre masaya si Mommy. Tears of joy ang tawag dyan. Payakap nga ulit si Mommy."

Matapos ang hugging session namin ay lumapit na kami sa cake na hawak nina Yaya.

"Naku iha pinaghirapan ng dalawa itong cake na ito para talaga sa inyo." ani Manang.

"oo nga. Ginawa na nga nilang babuyan ang kitchen kanina eh..." natatawa  namang ani Yaya kaya nakurot ko ang pisngi ng mga anak ko.

"we want to surprise you po kasi eh...*pout*" sabay na namang katwiran nila.

"I know..kaya nga sobrang happy si Mommy eh..oh magwiwish na ba ako?" nakangiti kong tanong sa kanila at agad namang nagliwanag ang mga mata nila saka sabay na tumango.

"Wish ko sanay lumaki ng healthy at mababait ang mga little angels ko.."

*ihip*

"Yehey!" napapapalakpak na sigaw ng dalawa.
"Teka mommy dapat para sa inyo ang wish niyo eh..." nakapout na namang ani Iris.

"Sus syempre ang little angels ko ang buhay ko kaya para sa inyo lahat ang wish ko...ok?" sagot ko sa kaniya sabay kurot sa pisngi nila.

"sige na nga pero dapat daddy ang winish niyo eh...para mas maging happy ang mommy namin..." hirit naman ni Sam na tatawa tawa.

"Ay Sam kanino mo natutunan yan..." saway ko kay Sam at nahuli ko siyang napatingin kay Manang.

"Si Manang talaga oh...hmmm masaya naman na si Mommy sa little angels niya kaya wag nang magwish ng di ukol ok? Tara kainin na natin ang pinaghirapan ng angels ko..." anyaya ko sa kanila.

Masaya kaming kumain at wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam ko bilang ina na talagang nag-eefort ang mga anak ko para lang sa special day ko.

Di ko lang maiwasang malungkot sa tuwing iisipin kong habang tumatagal magtatanong talaga sila ng ama.

hayyyy tanggap ko na kasing blessed singleness ako eh, 32 na kaya ako.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon