Chapter 16

19.8K 385 4
                                        


ALI

"Paano ba yan..mukhang mas mapapaaga ang kasal natin kaysa inaasahan.." may halong pagbibiro na bulong sa akin ni Second. Kabwesit ito.,nasa harap kaya kami ng pamilya niya.

"Wag nga kayong magbulungan dyan. Lakasan niyo kaya para marinig.." pang-iinis ni Third sa Kuya niya.

"Tsk! Labas na kayo sa usapan namin..right baby?" baling sa akin ni Second  na labis na nakapagpapula sa mukha ko.

Wow hah! Ang lakas ko makateenager!

Napapailing na lang sina tita at tito sa amin.,samantalang napapasipol na lang si Third habang nakikipaglaro kay Sam.

"Maam,Sir.,may babae pong kausap si Sir First sa baba. Kanina pa po nagpupumilit pumasok eh." sabat ng isang katulong habang nasa sala kami. Agad namang tumayo sina tita at tito kasabay si Second na pinayuhan kami nina Third na dumito muna sa sala at sila na ang lalabas.

"Sino kaya yun?" tanong sa akin ni Third at kibit balikat lang ang naging sagot ko. Kung siya nga na may bahay di alam,  ako pa kaya.

Napansin kong napatagal yata sila sa labas kaya napagdesiyonan kong lumabas na rin. Pakiramdam ko kasi may importante na silang usapan sa labas at feeling ko dapat akong makisali.

"Wag mo nang ipilit Dessa...wala kang anak dito!" naabutan kong sigaw ni Second sa babae na nakayuko. Nakasuot siya ng maluwang na T-shirt at nakaskirt din ng hanggang sa baba ng kanyang tuhod samantalang nakalugay ang mahaba niyang buhok. Batid kong umiiyak siya dahil na rin sa pagyugyog ng kanyang balikat. Agad na ding ipinapasok ni First sa loob si Iris sa mga katulong kaya kami na lang na matatanda ang naiwan sa labas.

"Meron Second...alam ko may pagkukulang ako dahil iniwan ko siya sa ampunan pero sana naman hayaan mo akong makilala siya. Parang awa mo na.Kahit saglit lang." pagmamakaawa ng babae sa labas na nagpadagundong ng kaba sa aking dibdib. What does she mean?

"Wala ka ngang anak dito. Saan mo ba nakuha ang ideyang nasa akin ang anak mo? Kaninong lalaki mo naman anak yan at sa akin mo binalak itanong?" sigaw ni Second sa babae at nagulat na lang ako ng bigla siyang sinampal ng babae. Lumapit na rin si tito at tita maging si First kay Second para awatin. Parang gusto ko nang maiyak dahil may ideya na ako kung ano ang pinagsasabi ng babae.

"Wag na wag mo akong pinagsasalitan ng ganyan Second..dahil alam mo na ikaw at ikaw lang ang lalaking pinagbigyan ko sa sarili ko dahil sa paniniwala na minahal mo rin ako!" sigaw ng babae na siyang nagpatulo sa luha ko. Now it's confirmed siya ang ina ni Sam. I can feel it.

Di na nakapagsalita si Second at tanging pagyuko na lang ang nagawa.

"Iha sa loob tayo mag-usap. Masyado na tayong nakakaagaw ng atensyon dito." mahinahong ani tita. Saktong pumihit sila sa gawi ko ay gulat agad ang rumihistro sa mukha nila. Hindi kasi nila ako nakita dito na kanina pang nakikinig. Pinahid ko agad yung luha ko at agad na nagpaumunang pumasok. Narinig ko pa ang tawag ni First at Second pero di na ako lumingon pa dahil masyadong mabigat sa akin ang narinig ko.

Pagkapasok namin sa sala ay saka namang pag-alis nina Third at mga katulong dala ang mga bata. Alam yata ni Third na mabigat masyado ang pag-uusapan namin.

Ilang sandali lang ay nakaupo na silang lahat sa sofa sa sala at pilit akong kinakausap ni Second pero di ko siya kinikibo. Di rin makatingin ang babae sa gawi ko.

"Kung ganun iha.,gaano mo katagal kilala si Second? Anong meron sa inyo?" diritsong tanong ni tita. Napahikbi naman ang babae bago sumagot at tanging malalim na buntong hininga ang narinig ko mula kay Second.

"Naging kami po ni Second at nagkaanak po kami na iniwan ko sa bahay ampunan dahil sa pag-iwan sa akin ni Second at di ko kayang buhayin siya." sagot ng babae na nagpaguho ng tuluyan sa mundo ko. Ngayon alam ko nang simula sa araw na ito.,maaring mawalan na ako ng karapatan kay Sam.

Simula pa lang ito.

Tuluyan na akong napaiyak at di ko hinayaan na si Second ang umalalay sa akin. Mabilis naman akong dinaluhan ni First.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon