SECONDGanito pala ang pakiramdam ng isang ama.,walang katumbas na ligaya. Makita ko lang siyang nakatawa parang napupuno na rin ng kakaibang galak ang puso ko. Alam ko ganyan din ang nararamdaman ni First.
Di ko akalain na magiging ganyan siya kasaya sa pagkikita nila ni Iris. Ang alam ko lang kasi dati for the sake of formalities lang ang gusto niya pero sa nakikita ko ngayon ramdam kong nais na talaga niyang magpakaama just like me.
I guess fatherhood has really the power to transform a guy into a grown man.
"Nasaan na si Mommy?" biglang tanong ni Sam. Napahinto tuloy ako sa pakikipaglaro sa kanya. Maging sina First.
"Oo nga. Saan si Mommy? Daddy si mommy po?" tanong din ni Iris habang nakayakap na kay First.
"Andito lang si Mommy. Laro lang kayo dyan ok?" biglang sulpot ni Ali kasunod si Mama. Napatingin ako sa kanya and I can tell from her eyes na kagagaling lang niya sa pag-iyak.
"Mommy laro tayo..." ani Iris.
"Oo nga.,laro tayo kasama sina daddy..." sang-ayon naman ni Sam.
" Lagi naman tayong naglalaro sa bahay kaya makipaglaro na lang muna kayo sa daddy niyo. Ok ba?" sagot niya sa mga bata. Napasimangot sila pero mayamaya ay naglaro na lang din. Ginawa nilang kabayo sina Papa at Third.
Nakita kong napabuntong hininga si Ali at batid kong may mga agam-agam pa rin siya tungkol sa setup namin sa mga bata ngayon. Sinenyasan ako ni Mama na kausapin si Ali at agad naman akong tumayo habang busy pa si Sam kay Papa.
"Let's talk.." di ko na binigyan si Ali ng pagkakataong umangal dahil hinila ko na siya papunta sa kinaroroonan ng swimming pool.
"anong pag-uusapan natin?" nakabusangot niyang tanong. She's so cute. Di mo aakalaing mas matanda siya kaysa sa akin. She acts so childish but how can she be so good as a mother?
"About us and the kids..." sagot ko kaya agad siyang napayuko. I see. May doubts pa rin siya.
"I hate to see you crying.,alam mo yun..." Iniangat ko ang mukha niya sa pamamagitan ng paghawak sa baba niya. Pilit niyang iniiwas ang tingin niya but I forced her to look at me in my eyes
"Walang mawawala Ali, whatever it takes you will forever be their mother. Hindi yun mawawala at magbabago Ali. Nadagdag lang kami sa buhay nila but we won't replace your role to them." With that her tears began to cascade down her cheeks. I immediately wiped it using my thumb. "A father can never exactly replace a mother. Tandaan mo yan. Iba ang ina sa ama pero pareho silang kailangan ng mga bata." dagdag ko na mas lalong nagpabalong sa mga luha niya. I pulled her for a hug and kissed her hair. She really smells so good.
"sorry..sorry. Natatakot lang kasi talaga ako na baka ipagpalit na ako ng mga bata sa inyo...sorry for overthinking..." paulit ulit niyang paghingi ng pasensya.
"sssshhhh it's okay. You just love them so much kaya ganyan ang naisip mo. It's ok.." pagpapatahan ko sa kanya. Tumagal din kami sa pwestong yun and it feels like heaven by just merely hugging someone you long for a long period of time. Parang ayaw ko nang bumitaw pero ilang sandali lang ay kumalas siya sa yakap ko.
"Sorry ah nabasa tuloy yang shirt mo. Sorry sa pagiging emotera." tila nahihiyang aniya sabay pahid pa sa mukha niya.
"Ok lang. I won't mind basta ikaw."korni pero totoo. Napaiwas naman siya ng tingin. I bet she's blushing. Yeah, 1 point for me!
"tsk! tara na nga sa loob." she's about to walk away but then I embraced her from behind.
"Let's just stay like this for a moment. I still miss you everyday Ali." and there I felt how she stiffened for a moment.
oh how I love this woman!

BINABASA MO ANG
InstaMom(COMPLETED)
General FictionMahirap maging Ina pero mas mahirap magpakaina. Meet Ali Ramirez, Walang asawa, walang boypren at higit sa lahat virgin pero may mga anak.