Chapter 5

26.1K 616 20
                                        


ALI

"Sino po sila?" tanong ko sa lalaking may dalang kotse na nakaparada sa harap ng gate ng bahay.

"Ah Miss Ali, pinadala po ako ni Maam Victoria para ipasundo kayo. May importante daw po siyang sasabihin sa'yo?" sagot ng lalaki. Napakunoot noo tuloy ako.

"Ah Kuya sino pong Maam Victoria? Wala naman po yata akong kliyente na ganun ang pangalan..." nagtataka kong sagot sa kanya. May inabot naman siya sa akin na calling card.

Ms. Victoria Choice-Chance

Yan ang nakasulat sa inabot niya sa akin kasama ang numero at address ng kompanya nila. Halos malaglag ag panga ko sa nabasa ko.

Anong kailangan sa akin ng reyna ng mga CC. Kamakailan lang si Second ngayon naman ang nanay nila?

"Tawagan niyo na lang  si Maam para makasiguro kayo. Kailangan niyo po talagang sumama sa amin kundi mawawalan ako ng trabaho, Maam." at ang mahabagin kong puso umandar na naman kaya heto ako ngayon sa kotse at papunta sa mansion kunu ng mga Chance.

Hala! Ano ba itong napasok ko?

Ilang saglit lang ay napansin kong papasok kami sa isang napakagarang gate. Makalaglag panga ang kasosyalan ng lugar. Elite kung elite talaga ang nakatira.

Akala ko wala ng mas gaganda pa sa golden gate na yun at mga landscapes pero pagpasok ko sa mismong premise ng mansion nila ay parang di na ako makahinga sa laki at gara ng lugar. Awtomatikong napabukas ang gate at dumiritso kami sa hilera ng mga magagarang sasakyan.

Inalalayan ako ni Kuya na bumaba at iginayak niya ako papasok sa magarang sala ng mga Chance.

Putragis ang bongga! Parang ni katiting na alikabok wala yatang mahahagilap ang mata ko sa sobrang kintab ng bawat sulok ng mansion. Nakakapanliit ng sarili. Buti maayos ako ngayon at kahit papaano ay nakacorporate attire.,dahil kung hindi baka ni maid ay di ako mapagkamalan dito. Bengga kaya ng mga maid nila, gaganda at pati yung driver ko kanina gwapings din.

"Welcome to our humble home.,Miss Alisson Ramirez.." muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa pag-alingawngaw ng boses na yun.
Gulayness! Humble home daw ito eh kulang na lang Kaharian ito eh.

Napatingala ako sa magarang hagdan na animo'y ginto sa kinang at doon dahandahang bumababa ang reyna ng mga Choice-Chance, si Ms. Victoria. Sa magazine at TV ko lang siya madalas makita at talaga namang maganda siya kahit 50 anyos na ito. Di ko akalaing mas nakakaintimidate pala ang ganda nito sa personal.

Tuluyan na siyang nakababa sa stairs at parang rumarampang patungo siya sa akin. Di ko alam ang gagawin kaya napabow tuloy ako.

"Magandang araw po sa inyo Miss Victoria." naging ganyan na lang ang pagbati ko at kulang na lang palakpakan ko ang sarili ko dahil di ako nautal.

Narinig ko naman ang maganda niyang tawa. Hala! Ang daya maganda na nga't mayaman pati ba naman tawa maganda rin. ano na lang ang natira sa amin na simpleng mamamayan? Tsk!

Teka may nakakahiya ba akong ginawa at napatawa siya.

"Oh iha, Koreana ka pala.." aniya kaya napatayo ako ng tuwid saka umiling at awkward na ngumiti. Dahil ba yun sa pagbow ko?

"ah Miss Victoria hindi po. Natripan ko lang po magbow tsaka adik lang sa mga Koreanovela. Nothing more. Nothing less." diridiritso kong sagot kaya muli siyang napatawa.

"My son must be right. You're really adorable. I like you." biglang aniya na nakapagpalaki sa mata ko.

"Ho? Naku po maam, 32 year old virgin po ako pero di po ako pumapatol sa kapwa ko babae. Sorry po miss. Iba na lang po ang i-like niyo." napapailing na sagot ko na nakaani ng malakas na tawanan. Hala! May sinabi ba akong mali?

Yung mga guards at maid pigil sa pagtawa pati si Miss Victoria, tumatawa din.

Pero ang kilaglag ng panga ko ay ang apat na kalalakihang nakatayo sa likod ni Miss Victoria.

Wah Kigugwapo nila!
but they're laughing too?

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon