ALI"You're reaction is priceless iha..." tatawa tawang ani Miss Victoria. Napaupo na lang ulit ako. Shucks! pinawisan ako dun ah.
"My gosh...kaloka! Akala ko po kasi seryoso na..." sagot ko naman sabay paypay ng kamay ko sa mukha. Rinig ko na din ang pigil na tawa ng mga kasama namin.
"Who says I'm not?" seryoso na namang aniya kaya napapalunok akong napatingin sa asawa't anak niya na sabay sabay tumango.
"Ah seryoso po kayo?" nag-aalangan kong tanong. At napangisi siya sa tanong ko. Hala!
"Seryoso ako iha. Kung ayaw mo talaga na mawalay sa mga bata kailangan mong buuin ang pamilya nila. Single mom ka and they badly need a father.,which is di mo maibigay kaya i'm giving you an easy solution. Marry one of my sons.,then problem solve."paliwanag niya na para bang yun na ang pinakabright idea sa buong sanlibutan.
"Pe-pero po..."
"Walang pero pero Ali.,Sabi mo gagawin mo ang lahat wag lang mawalay ang mga anak mo sa'yo.." putol niya sa akin. 'Yan lang ang solusyon na pwede kong maibigay.. Isa pa Ali, Mabait akong kakampi pero mabangis akong kaaway..Rawrrr..." aniya pa with matching tiger look and action pa.
"Naku wala na bang ibang solusyon? Masyado na po akong Manang para mag-asawa. Ate ako ng mga anak niyo nuh.." totoo kaya mas matanda pa ako kaysa sa panganay niya.
"*chuckle* di ka naman mukhang manang. Di nga halatang 32 year old virgin ka eh as you said..." natatawa namang sabat ng ama nila.
"Tama! Ex mo nga ang Second namin eh...baka destiny ito.
¶ Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ¶" pakanta pang ani Miss Victoria. Shutay talaga! Namumula na naman ako."Tsk may pa marry one of my son pa kayong sinasabi dyan eh di niyo naman ako binigyan ng chance para pagpilian..Diniritso niyo agad sila ni Second..." tila naiinis na ani First. Hala! Problema ng isang 'to?
"Dapat lang First.,This is what they call as Love for the SECOND time around. SECOND CHANCE ito para sa amin Kuya First. At ako si SECOND.." may diin namang ani Second sa Kuya.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ang gugulo nila!
"Na kay Ali na ang desisyon...para dyan. Oh Ali.,is it a deal?" baling sa akin ng mama nila. Ano bang sasabihin ko?
Aaaahhhhhhhh
"Bakit kasi di gumagamit ng proteksyon ayan tuloy nakabuntis!" bulong ko pero narinig pala nila at tawang tawa ang mag-asawa.
"Wala ka ding anak ngayon kung di sila nakabuntis iha..." sabat ng ama nila. Oo nga pala! Ang hirap naman kasi eh.
"Ate kung hirap ka sa pagpili kung sino sa mga Kuya ko.,ako na lang. Bata ka pa naman tingnan." binato naman ng dalawang Kuya si Third dahil sa sinabi niya. Natawa na lang ako.
"Kaya mo bang magpakaAma?" sabay pang tanong ng dalawa sa bunso.
"Tsk! Try me. Kayo nga di nagpakaama eh." sumbat niya sa dalawa. Akala ko maiinsulto sila pero hindi.
"Pwes handa na kaming magpakaama.." sabay na namang sigaw ng dalawa. Scripted ba yun o sadyang pareho sila ng takbo ng isip?
Nagulat na lang ako ng tinabihan ako ni Miss Victoria saka nginitian. Hinawakan niya din ang kamay ko.
"Alam kong di biro ito kaya pag-isipan mong mabuti. Pero di ko na babawiin pa ang kondisyon ko. Gusto ko kasi ang isang katulad mo para sa isa sa mga anak ko. Alam ko din namang hindi magiging masaya sina Iris at Sam kapag nawala ka sa buhay nila." pagpapakalma niya sa akin kaya di ko maiwasang maluha.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit saka hinaplos haplos ang aking buhok.

BINABASA MO ANG
InstaMom(COMPLETED)
Fiksi UmumMahirap maging Ina pero mas mahirap magpakaina. Meet Ali Ramirez, Walang asawa, walang boypren at higit sa lahat virgin pero may mga anak.