FIRST
"I really like her. Bihira na lang ngayon ang kagaya niya na handang magpakaina sa di niya kadugo. Sabihin man niyang dulot yun ng takot niyang mapag-isa habang buhay, di nun matatawaran ang pagiging mabuti niyang ina." rinig kong sabi ni mama habang nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Papa.
Ang tanda na nila pero walang kupas kong maglandian este lambingan.
"I like her too. Bakit kasi natin kinonfine sa Canada si Second di sana baka kasal na sila ngayon." segunda naman ni Papa.
"oo nga eh..natatawa talaga ako sa 32 year old virgin na pinagsasabi niya. I can't believe it. She's too adorable to be left behind..." natatawang komento ni Mama.
Maging ako ay di ko maiwasang matawa kapag naaalala ko siya. Ang mukha at bawat pagpapalit ng ekspesyon niya. She's too good to be true.
"oh First., andyan ka pala.." bigay pansin sa akin ni Papa.
"Andito rin ako..." biglang sulpot ni Second. Lagi na lang umeeksena. Tsk!
Don't get me wrong..wala kaming lihim na awayan. Medyo inggit lang ako sa height niya.
Ako panganay pero siya mas matangkad? Madaya yun ah.
Buti na lang mas gwapo ako.
MAHANGIN ba? Tsk! At least fresh air ang dulot ko.
"We need to talk." seryosong ani Papa kaya agad kaming tumalima ni Second.
Pasaway kami pero pag si Papa na ang nagsalita.,sunod agad kundi cut off ang credit cards namin. Baka di pa kami pamanahan niyan.
"Anong balak mo Second? Are you serious about her? Kaya ko ginawa yung deal na yun was because of you..." seryosong ani Mama. Sabi na nga ba.,option lang ako. Andaya! ako si First Choice Chance pero ako ang second option. Buti pa si Second. Tsk!
"Seryoso naman ako sa kanya noon pa Ma. Kung di niyo lang ako pinilit magpaCanada di sana kasal na kami ngayon..." may sama ng loob na ani Second.
"Seryoso ka nga ba? eh bakit nagkagirlfriend ka pa ng madami at nakabuntis?" pag-uusisa ni Mama. Prente lang kaming nakaupo ni Papa.
"Tsk dahil naman po sa kanya yun Ma. Sinubukan kong makalimot pero walang silbi.,nakabuntis pa ako. Buti na lang sa kanya pa napunta. Siguro ito na yung chance ko kaya kailangan ko siyang mapaOO." parang batang ani Second. Tsk!
"eh di amuin mo't ligawan. Di naman pwedeng kami gagawa nun para sayo. Supporter lang kami kumbaga." sabat ni Papa sa usapan. Napatango naman si Second.
"eh ako anong role ko dito?" sabat ko sa usapan. Tinaasan naman ako ng kilay ni Mama. Tigre talaga.
"Simple lang huwag kang mahuhulog kay Ali.,tulungan mo na lang si Second na magkachance sa kanya. Wala ka namang matinong girlfriend kasi puro ka pambababae." banta niya sa akin.
"At kayong dalawa.,bukas pupunta dito ang mag-iina kaya umayos kayo. Matuto naman kayong magseryoso sa buhay wag puro laro dahil pareho na kayong may anak." napayuko na lang ako sa sinabi ni Mama.Ang totoo niyan di ko pa alam kong paano ko haharapin si Iris bukas. Magugustuhan kaya niya ako? Mamahalin?
"I know both of you are worried. Just trust Ali.,alam ko namang napalaki niya ng maayos ang mga bata kaya di nila kayo pagtatabuyan." pagpapagaan ng loob ni Mama sa amin.
Alam ko naman yun. Ali is nearly perfect, wife material at kung di lang kay Second, gugustuhin ko din ng gaya niya.

BINABASA MO ANG
InstaMom(COMPLETED)
Ficción GeneralMahirap maging Ina pero mas mahirap magpakaina. Meet Ali Ramirez, Walang asawa, walang boypren at higit sa lahat virgin pero may mga anak.