ALI
"Ano ba! Uy bitaw!" sigaw ko sabay hampas sa likod niya.
My gulay yung dugo ko parang nalipat na lahat sa ulo ko.
"Stop it Ali!... Mas kuminis yata ang legs natin ah...." may halong pang-aasar ang pagkakasabi niya kaya lalo akong nagpumiglas.
For pete's sake, sobrang eksi nga ng shorts ko.
"Bastos! Ibaba mo nga ako!" patuloy kong sigaw sabay ang paghampas sa likod niya.
Tatawa tawa lang ang loko.Ang tigas! Hanep!
Ilang sandali lang ay naipasok na niya ako sa shotgun seat ng kotse niya malamang. Bango ah!
Peste nakuha ko pang magkomento eh life and death kaya itong sitwasyon ko.
Ahsus OA na kung OA.
"Oyy ano ba! Saan mo ba ako balak dalhin. Gabi na oh. Kidnap toh! Kidnap!" sigaw ko sa kanya with matching pandidilat pero wa epek!
"*chuckle* you're not a kid anymore, technically this ain't a KIDnap. 32 year old virgin kaya ang drama mo." pangbabara niya sa akin at grabe ang pag-iinit ng mukha ko ngayon I swear. Pati butas ng ilong ko sigurado lumalaki na din.
"Hoy! Langya ka! Palabasin mo na nga lang ako dito kung ayaw mong pasabugin ko itong kotse mo..." banta ko sa kanya with matching panlilisik ng mata. Ewan kong scary na yun kasi masyado daw maamo ang mukha ko para maging galitin.
"*chuckle* Stop forcing yourself to look scary coz you're not. You look even more pretty and cute while doing it..." Susme! Mas lalo yatang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Para akong teenager na kinikilig.
Oh em!
For pete's sake 32 ka na Ali.
Tanders ka na para kiligin!"Tigilan mo ako Two..mabibigwasan talaga kita." singhal ko sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana. Paano ba naman kasi di ko kayang harapin ang nakangisi niyang mukha.
"*chuckle* hindi mo pa pala nakakalinutan ang tawag mo sa akin. I miss it and I----"
"Hep! tama na ang pang-aasar. Palabasin mo na ako please. Yung mga anak ko inaantay na ako." nakabusangot pang sabi ko at tumigil naman siya sa pagtawa. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga kaya napatingin ako sa gawi niya.
"Ali, can you come with me sa party...? Binilin ko naman na kay Manang yung mga bata eh..." napakunot noo ako dahil sa sinabi niya.
"teka nga...."
"I know about them.." pagputol niya sa sasabihin ko sana.
Hay ano nga bang magagawa ko kumpara sa isang bilyonaryong gaya ni Second Choice-Chance. Syempre lahat magagawa niya at malalaman pero bakit niya inalam ang tungkol sa akin eh isa lang naman akong hamak na Ex niya.
Yeah Second is my first boyfriend. Second ang pangalan niya at Choice-Chance ang apelyido ng lintik. Malay ko ba sa kaweirduhan ng magulang nila at ganun ang naging pangalan nila. May Kuya pa siya namely First at younger brother which is Third ang pangalan. I just knew their names I never meet them personally.
"Pagkabalik ko ng bansa last week.,I immediately summoned my private investigator to look for you.." diritso at seryosong aniya habang nakatingin sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin. Di ko na kasi makayang salubungin ang mga titig niya.
"Ako ang nagpadala ng invitation with the thought na pupunta ka pero nakalimutan ko yatang ikaw si Ali kaya umasa akong pupunta ka." para naman akong tinablan ng konsensya dahil sa sinabi niya.
"Ahhh sorry talaga...mas gusto ko lang kasi makasama yung mga anak ko kaysa pumarty..." nakayuko kong sagot. Medyo gumaan naman ag pakiramdam kong marinig ko siyang napatawa.
"Buti na lang anak lang ang meron ka.,walang asawa." natatawang ani Second kaya taas kilay akong napatingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
InstaMom(COMPLETED)
Fiction généraleMahirap maging Ina pero mas mahirap magpakaina. Meet Ali Ramirez, Walang asawa, walang boypren at higit sa lahat virgin pero may mga anak.