Chapter 4

28.3K 576 1
                                        

ALI

Dalawang araw na mula ng mapadpad dito si Second pero hanggang ngayon di pa rin ako makatulog dahil sa pinaggagawa niya.

Kainis! Bakit ba kasi ako apektado eh sigurado naman na wala lang yun sa kanya.

Flashback

"oh sige., alis na. Baka malate ang tagapagmana..." biro ko sa kanya para paalisin na siya at alam kong malapit na talagang magsimula ang anniversary celebration ng kompanya nila.

"Mauna ka na pumasok saka ako aalis..." pagpapauna niya sa akin.

"h-huh? ok sige.,sabi mo eh...Ingat ka ah."  habilin ko saka tumalikod para sana pumasok na sa loob pero muli siyang nagsalita.

"Ali wait..." taka akong lumingon sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napataas ang kilay ko. Problema nito?

Napasinghap na lang ako ng bigla siyang lumapit saka ako hinapit sa beywang.

"Oy ano ba? Bitaw nga..." pagpupumiglas ko para pagtakpan ang pamumula ng pisngi ko. Ang bango niya!

Napaangat ang tingin ko sa mukha niya kaya nakita ko kung paano gumalaw yung adam's apple niya habang nakatitig sa labi ko. Shet! Hahalikan ba niya ako?

Mabango naman siguro hininga ko nuh? Grrr ang landi no Ali!

Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Napakunot noo naman siya. Akala ko bibitawan na niya ako pero mali ako dahil imbes na palayain niya ang baywang ko ay mas linapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko, kasabay nun ang paghalik niya sa palad kong nakatakip sa bibig ko.

Sa gulat ko ay nanlalaki ang matang natanggal ko ang palad ko mula sa aking bibig.

Pero wrong move na naman yata yun dahil hindi pa ako nakakarecover mula sa halik niya sa palad ko ay naramdaman ko na naman ang malambot niyang labi sa nakaawang kong labi. Imbes na itulak ko siya ay napapikit ako kasabay ng paggalaw ng labi niya. Dahan-dahan lang at bawat hagod ay tila dinadala ako sa ibang mundo. Syete! Di pwede to!

Aatras sana ako pero nauna siyang bumitaw saka pinagdikit ang mga noo namin. I was left with no choice but to look on his eyes.

"I miss you Ali. I'm glad you're still unmarried kaya di naman siguro masamang nahalikan kita nuh?" aniya sabay balik sa nakakaloko niyang ngisi.

Gulayness! mukha na akong kamatis. Tinulak ko na lang siya sabay iwas ng tingin.

"Alis na!" yun na lang ang tangi kong nasabi. Narinig ko naman ang pigil niyang tawa. Bwesit lang!

"Sige sabi mo eh..." akala ko aalis na talaga siya pero pagharap ko muli sa kanya ay yung labi niya ang sumalubong sa labi ko.

"Goodnight Ali..*kindat*"
With that pumasok na siya sa kotse niya ng di man lang ako inantay magreact.

Wahhhhh pakshet ka talagang lalaki ka! Nakailang halik na siya?

Ang tanga mo din kasi Ali!

Bakit parang kinikilig ako?

End of Flashback

Nakakainis ang Second na yun kung makaasta boyfriend pa din. Baka mamaya may asawa na yun. Impossible naman yatang wala. Kahit mas matanda ako kaysa sa kanya baka mas nauna na siyang nag-asawa nuh.

Sa gwapo at yaman niya. Pero bakit ba siya nanghahalik?
Arhg! Makatulog na nga lang.

Ayon late tuloy ako nagising kinaumagahan buti na lang wala muna akong kliyente na kikitain ngayon.

"oh ready for school na pala ang mga little angels ko.." sabay halik sa mga pisngi nila.

"mommy may family day kami next week. Pero mag-isa mo lang mommy sino sasama sa isa sa amin?" nakasimangot na tanong ni Iris.

"Oo nga mommy. Yung mga classmates namin with daddy and mommy sila..." dagdag pa ni Sam. Di ko tuloy maiwasang masaktan. Pakiramdam ko kulang talaga ako para sa mga anak ko.

"tsk problema ba yan? Eh di isasama natin sina Yaya at Manang. Ang family naman hindi lang mommy, daddy at anak eh..lahat ng tao na mahal mo..family na din ang tawag dun. Understand my little angels?" tumango naman sila sabay yakap sa akin. Ang hirap nga talagang mag-isang magpakamagulang.

Tama yung mga madre na baka raw dumating ang araw na yung mga bata mismo ang magparamdam sa akin na kailangan nila ng ama.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon