Chapter 13

20.8K 437 3
                                    


FIRST

It's been a month since we first meet the kids. Every other day, I and Second got to see and play with the kids syempre kasama si Ali.

I can feel how happy the kids were and it's such an awesome feeling when someone gets to call you 'daddy'. 

Nakaattend na din kami sa family day nila sa skul. Di nga lang nila naiwasang magtalo lalo pa't iisa lang ang mommy nila kaya kinailangan pa ni Ali na magpalipat lipat noon ng grupo para lang masamahan pareho sina Iris at Sam.

Today is my birthday but I choosed to celebrate it with my daughter. Saka na lang kami magfafamily dinner mamaya. Gusto pa sana ni Mama na mag-organize ng party pero tumanggi ako. Masyado na akong matanda para sa birthday party na yan.

Mas gusto ni Iris isama sina Sam at Ali kaya heto't para kaming happy family na kumakain sa jollibee. I wanted to bring them in a restaurant but the kids opt for jollibee. Bida daw ang saya dito, so I was left with no choice but to follow my daughter's request.

"Happy Birthday Daddy...Mamaya na gift ko ah. Tinulungan ako ni Mommy mamili.." bati sa akin ni Iris saka ako hinalikan sa pisngi.

"Thank you baby..." sabay halik din sa pisngi niya.

"Happy Birthday Tito...ako din may gift..si mommy ang nagbalot." ani Sam na puno pa ang bunganga. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Happy Birthday First.,nasa bahay pala ang regalo sa'yo ng mga bata." bati naman sa akin ni Ali. Napangiti naman ako sa pagbati niya. Second will be a lucky bastard having Ali as a wife.

"Ikaw ba may regalo sa akin?" may halong biro na tanong ko sa kanya. She awkwardly smiled at me saka umiwas ng tingin.

"Meron po Daddy.  Tatlo po naibalot niyang regalo kanina eh." pagbubuking sa kanya ni Iris. Natawa na lang ako.

"Kumain na lang kayo.,ang dadaldal niyo.." saway nito sa mga bata.

"Wag kang mag-expect masyado sa gift namin. Simple lang ang mga yun." nahihiya namang baling sa akin ni Ali.

"*chuckle* di naman mahalaga kung mahal o mura, simple o magara ang mahalaga ay yung taong nagbigay at nakaalala." sagot ko naman sa kanya. Napatawa na din siya.

"Di ko akalaing makata ka pala. Kaya siguro madami kang nabibingwit na chicks nuh?" asar na niya sa akin. Sa wakas at nagiging komportable na din siya sa akin. I simply want to be with the natural and real her. Jolly and carefree, bagay na nakaattract daw kay Second.

Unfortunately, Second is still on a business trip kaya di siya makaangal ngayong kasama ko ang mag-ina daw niya which is Sam and Ali. Mamayang hapon pa ang dating niya, I am thankful though coz I got to experience Ali's company. Baka mainspire din akong magseryoso sa babae. Regarding their relationship, di pa rin malinaw eh. Minsan sweet sweetan sila tapos mayamaya nagbabangayan. I'm really not so sure about their current status, all I know is they both feel something for each other lalo na si Second.

"Natural charm ang pambingwit ko sa chicks, di ko na kailangang magpakamakata.." pagbibiro ko na din.

"tsk! mas mahangin ka pa kaysa sa aircon dito." pambabara naman niya sa akin na ikinatawa ko.

"*chuckle*mas fresh naman ang hangin ko." sagot kong muli na nagpatawa sa kanya sabay irap sa kawalan.

"Mas mahangin ka pa pala kaysa kay Two..." naiiling na aniya.

"Syempre mas gwapo kasi ako. Teka nga, aba'y may endearment pala kayo ah...Two baby huh?" namula naman siya sa pang-aasar ko. Alam ko namang Two ang tawag niya dati pa kay Second. Ang sarap lang kasi niyang asarin.

"Ang saya niyo po yata mommy, daddy?" biglang sabat ni Iris sa usapan. Nagkatinginan naman kami ni Ali saka sabay na napatawa.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon