ALINatulala na lang ako sa mga tao sa harap ko. Hanep! Para silang family picture na todo ang pagkaedit pero ang pinagkaiba totoo sila at di lang simpleng larawan.
Nakahilera lang sa likuran ni Miss Victoria yung mga lalaki.
"Hey Ali...sabi sa'yo magkikita tayo ulit eh..." nakangising ani Second. Bwesit na lalaki 'to!
"Kuya is she your unforgettable Ex?" tanong ng nasa kaliwa niya. Kung di ako nagkakamali siya yung bunso si Third.
Bigla akong nahiya sa tanong ng bunso kaya napailing ako.
"Ah hindi ako yun. Ewan ko nga bakit ako nandito eh." sagot ko sa kanya.
"Baka naman hindi ikaw yung Ex niya kasi kayo na ulit..." ngingiti-ngiti namang sabat nung lalaki sa kanan ni Second, siya ang panganay si First.
"ay hindi ah." depensa ko sabay irap. Narinig ko naman ang pagtawa ng mag-asawa.
"So ikaw pala ang nakahuli sa pusong bato ni Second noon. Halika iha, maupo tayo. May mahalaga kaming sasabihin sa'yo." pag-anyaya sa akin ng ama nilang si Last. Di ba ang bebengga ng pangalan?
Victoria Choice * Last Chance
Children:
First Choice Chance
Second Choice Chance
Third Choice Chance
Saan ka pa?
Naupo kaming lahat sa pagkalambot lambot nilang sofa sa sala. Napapaligiran din kami ng maids at guards. Nasa harap ko sina Mr and Mrs Choice-Chance at mga anak nila pwera lang kay Second na pilit akong tinabihan. Epal talaga!
"You look good together..." komento ni Miss Victoria habang nakatingin sa aming dalawa ni Second. Napangiwi naman ako saka umirap kay Second na ngingiti ngiti.
"Rinig mo yun Ali? My mom likes you for me.." pang-aasar sa akin ni Second.
"You look good together ang sabi niya hindi I like you for my son wag ka ngang assuming..." pambabara ko sa kanya na nakaani na naman ng tawa lalo na sa mga kapatid niya.
"Ang hard mo sa akin. Kunti na lang iisipin kong di ka pa nakakamove on sa break up natin at kaya wala ka pang asawa kasi inaantay mo ako..tama nuh? pangungulit niya sabay lapit pa sa mukha niya sa akin. Pilit ko naman siyang tinutulak para lumayo.
"Wag ka ngang feeling. Choice ko maging single wag ka!" singhal ko sa kanya habang pilit pa rin siyang tinutulak. Di ba siya nahihiya sa pinaggagagawa niya? Nasa harap kaya namin mismo ang mga magulang niya.
"Kung choice mo na magpakasingle, then I'm giving you Second Chance to think about it. Andito lang ako oh." ngingisi ngising pagpupumilit niya habang inilalapit ang mukha sa akin kaya ng di ko na kinaya lumipat ako ng upuan sa tabi ni First.
"Sorry Second, sa akin siya pumunta..First must always be the First Choice..." proud pang ani First sabay akbay sa akin. Shutay! Nakadrugs ba ang pamilya nila?
"Oy First ako ang nauna dyan. walang talo talo..." seryoso namang ani Second habang nakatitig kay First na animo'y nanalo sa lotto sa sobrang saya. Ang Gwapo niya!
Pilit ko na lang tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.
"Ate sa akin ka na lang..." ani Third sabay hila sa akin kaya napaupo ako sa tabi niya.
"hey stop that! Hindi stuff toy si Ali. Para kayong mga bata." saway sa kanila ni Miss Victoria. Saka lang tumigil ang tatlo sa pagbabangayan at napasandal na lang ako sa sofa. Napagod ako sa kakulitan nila. Para tuloy akong nakipaglaro sa big versions nina Iris at Sam.
"Ah ano nga po pala sasabihin niyo sa akin? Maghahapon na rin kasi, kailangan ko pang sunduin ang mga anak ko." diritso kong tanong para na rin matapos na ang kalokohang ito. Nakakastress kasi itong mga anak nila.
"About your daughters.," biglang kumabog ang puso ko dahil sa kaba ng dahil sa tuno ng pananalita niya.
Pero di ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.
"Iris and Sam. They are our real grandaughters..."
BINABASA MO ANG
InstaMom(COMPLETED)
Fiction généraleMahirap maging Ina pero mas mahirap magpakaina. Meet Ali Ramirez, Walang asawa, walang boypren at higit sa lahat virgin pero may mga anak.