Chapter 2

38.7K 732 13
                                        


ALI

"Manang sino yun?" Papunta kasi ako sa kwarto ng mga bata para paliguan sila ng marinig kong may nagdoorbell.

"Iha ito oh... invitation lang naman  galing sa messenger." napakunot noo naman ako sa sinabi ni Manang. May pag-aalinlangan ko namang inabot ang magarang invitation card.

Di kasi ako mahilig umattend sa mga social gatherings at iilan lang ang mga kaibigan ko para mag-imbita sa mga party.

Halatang sosyalin ang party na ito ah.,halata sa hulma ng invitation card.
Mas napakunot ang noo ko ng mabasa ang nakasulat.

Choice and Chance Group of Companies cordially invites you to it's 50th founding anniversary:



This serves as an invitation to:
Ms. Alisson Ramirez

Ano namang kinalaman ko sa C and C Company? As far as I can remember I never offered my service sa kanila. Masyado naman yata akong ambisyosa kung papangarapin ko pang makapasok sa teritoryo ng nga bilyonaryong ito.

They even know my name? Bukas na din ang party.

My job as an interior designer can be associated sa negosyo ng C and C Company since they own most of the condominiums, housing and hotels sa bansa pero never talaga akong naconnect sa sinuman sa alagad ng negosyo nila.

Especially for me pa yung letter huh?
Baka naman kapangalan ko lang. Binalibaliktad ko yung card pero sa akin din nakaddress yung invitation.

"Iha pupunta ka ba dyan?  Mukhang sosyalin ah? Kanino ba yan galing?" nabalik ako sa realidad dahil sa tanong ni Manang.

"Choice and Chance Company Anniversary daw pero wala naman akong maalalang dahilan para pumunta sa sosyalin nilang party. Di ho ako bagay dun kaya di po ako pupunta..." sagot ko kay Manang.

"Anong di bagay ka dyan... Sa ganda mo iha for sure makakatisod ka dun ng yayamanin. Para naman mabigyan mo na ng daddy ang mga anak mo. Aba'y lampas kalendaryo ka na." ngingisi ngising asar sa akin ni Manang.

"Tsk Manang talaga oh. Tanggap ko naman po na tatandang dalaga na ako..tsaka sapat na sina Iris at Sam sa akin. Tsaka imbes na magsayang ako ng oras sa party na yan.,gugugulin ko na lang ang oras ko sa mga anak ko." sabat ko kay Manang at napapangiti na lang siyang umiling.

"Ewan ko ba sa tadhana at ikaw pa ang di binigyan ng asawa eh wife material ka naman." napapailing na komento ni Manang. "Tsaka iha sayang naman yang ganda mo pag mamamatay kang virgin. Di mo pa natitikman ng husto ang sarap ng buhay." natatawang dagdag pa ni Manang kaya naibato ko sa kanya yung invitation card.

"Manang talaga. Kadiri kayo! Kung anu-ano lumalabas sa bibig niyo." nagpapapadyak kong singhal kay Manang. I swear pulang-pula siguro ako ngayon.

"Naku iha wag kang feeling teenager. Lampas kalendaryo ka na kaya wag kang nagfefeeling innocent dyan. 21st century na aber!" pinandidilatan pa daw ba ako ni Manang. Tsk iba talaga si Manang makagood time.

"Ah basta wag niyo nang mailabas labas yang virgin virgin na yan sa bunganga niyo baka marinig kayo ng mga bata." pilit ang pagseseryosong banta ko kay Manang.

"Oo na pero baka mamaya.,mauna pang madevirginize sina Iris at Sam kaysa sa'yo..." pahabol niyang sabi.

"Manang!" sigaw ko sa kanya kaya tatawa tawa lang siyang pumasok sa kitchen.

Kaloka! pinagpawisan ako ng bongga sa topic hah! Eh ano kung 32 na ako pero virgin pa rin ako? Duh? Maganda kaya ako...tsss para bang malaking kawalan yung pagiging virgin.

*iling iling* Malaking kawalan sa'yo yan Ali. Kawalan sa experience.

"Aahhhhhh EH ANO NAMAN?!"

"Mommy are you okay?" Iris

"Mommy why are you shouting po?" Sam

Shoot! Manang talaga oh. Ayan tuloy baka mapagkamalan ako ng mga anak kong baliw.

"hi little angels...wala yun. May ipis kasi pero pinaalis ko na..." buti na lang parang napaniwala ko naman sila. Haist! Dahil lang sa lintik na virginity na yan nakapagsinungaling ako sa little angels ko.

"Naku mga bata halina kayo at baka kayo naman ang lapitan ng ipis." nang-aasar pang aya ni Manang sa mga bata. Sinimangutan ko na lang ang tatawa tawang si Manang.

"Iha sunod ka nalang pag napaalis mo na yang ipis ah.." pahabol pang asar ni Manang saka sila nilamon ng pinto sa dining hall.

Kainis!

Pinulot ko na lang yung invitation na naibato ko kay Manang kanina saka sumunod sa kusina.


InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon