Chapter 3.3

31.5K 640 5
                                        

ALI

"Anong ibig mong sabihin? Pinakulam mo siguro ako kaya wala pa akong asawa nuh?" nakanguso kong sumbat sa kanya at napalakas na naman ang tawa niya.

tsss baliw

"Nope. I would never do that. Mabait lang sa akin ang tadhana kaya pinag-antay niya yung destiny ko." Lalong nangunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi ng kapreng ito.
Ano naman daw konek nun sa tanong ko?

"Hindi ka ba talaga makakapunta sa party?"halata ang lungkot sa boses niya dahil sa tanong niya.

Bakit naman siya malulungkot? Para namang may mahalaga akong kontribusyon sa kompanya nila. Tsk!

"Sorry. Di talaga ako makakapunta tsaka wala naman akong kakilala dun. Magmumukha lang akong timang ..." sagot ko sa kanya at muli ko siyang narinig na napabuntong hininga.

"Kung ganun.,wag ka munang lumabas. Usap muna tayo..."ramdam ko ang mga titig niya sa akin habang sinasabi ang mga yun. Problema nito? Bigla-bigla na lang magpapakita after more than 10 years mula ng break-up nila tapos ganito siya umasta ngayon.

Like duhhh!

"wala naman tayong dapat pag-usapan ah..." sagot ko naman sabay tingin sa labas ng bintana. Muli siyang napabuntong hininga.

"About us..." aniya kaya taas kilay akong napatingin sa gawi niya. Wrong move pa yata yun dahil parang bigla yata akong bumalik sa nakaraan dahil sa mga titig niya.

Flashback

"I'm sorry Ali but I think we need to break up." Napasinghap ako sa sinabi niya.

Ok lang kami kahapon ah tapos ngayon nakikipagbreak na siya.

"Two wag naman ganyan.. wag ka namang magbiro ng ganyan..." syete naiiyak na talaga ako.

"Di ako nagbibiro Ali. I'm really breaking up with you. I just realized that someone is worthy of me more than you do. I'm sorry, Ali." hahawakan pa sana niya ang kamay ko pero umatras ako kasabay ng pag-alpas ng mga luhang pilit kong pinipigilan kanina.

"Sige Two ok lang. Sino ba naman ako para sa isang katulad mo. Sorry ah. Sorry if i'm not worthy enough for someone like you." nakayuko kong sabi habang humikhikbi. Pilit kong pinahid ang mga luha ko para sana diritso ko siyang makaharap sa huling pagkakataon pero wrong move kasi kasabay ng pag-angat ng tingin ko sa kanya ay ang paglantad ng bagong babae na nakakapit sa braso niya.

Maganda at bagay na bagay sila. Ano nga bang sinabi ko sa babaeng katulad niya. Ganda at height pa lang talo na ako.

"Sige. Salamat sa lahat Two." pagkasabi ko nun ay agad akong umalis. Patakbo kong tinungo ang gate ng university. Sumakay akong jeep para umuwi.

Pagdating ko sa bahay ay madaming tao na nag-oorganize para sa birthday ko. Birthday ko pero broken hearted ako. Bakit pa kailangang magsabay?

Mapakla akong napangiti.

Happy Birthday to me!

End of Flashback

"Sorry about that Ali...."

"Ok lang wala naman ng tayo para magpaliwanag ka pa. Tsaka ilang taon na ang lumipas kalimutan mo na lang yun kasi ako limot ko na yun."pagputol ko sa kanya. Nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa hita ko.

"I just feel like I owe you an apology for being a jerk that time. God knows how much my conscience ate me dahil alam kong birthday mo nun. I went to your birthday party anyway." napatingin naman ako  sa kanya dahil sa sinabi niya.

"seryoso?" napatango naman siya kaya kusa akong napangiti at napabitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"why are you smiling?" taka niyang tanong sa akin.

"Ikaw kasi ang wish ko nun bago ko inihipan yung birthday cake ko. Natupad pala kasi pumunta ka." nakangiti kong sagot sa kanya at kita ko kung gaano nagliwanag ang mukha niya dahil sa sagot ko.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon