Chapter 11

21K 432 4
                                    


ALI

"Mommy sure po kayo dito ang bahay ng daddy namin?" kanina pang tanong ni Iris.

"Oo naman dito ang bahay nila...mukhang palasyo di ba?" sagot ko naman at pareho silang napatango saka muling inikot ang mata sa kabuuan ng mansion. Nasa sala kami ngayon at inaantay ang mga Chance na lumabas.

"Gwapo ba ang mga daddy namin?" biglang tanong naman ni Sam. Naku naman yun talaga ang naitanong eh nuh?

"Oo naman. Gwapo silang dalawa." sagot ko na lang sa kanila. Kanina  pa kasi sila excited.

"eh sino pong mas gwapo? Yung daddy ko o yung kay Sam?" tanong na  naman ni Iris. Ano ba yan! Dami naman nilang tanong.

Pero teka nga.,sino nga bang mas gwapo?  Si First o si Second?

"Syempre ako..." biglang sulpot ni Second.

"Di porque mas matangkad ka, mas gwapo ka na rin. Ako syempre ang mas gwapo." sabat naman ni First.

"DADDY?" sabay na sigaw ng mga anak ko saka tumakbo  sa dalawa.

"Ikaw ba ang daddy ko?" tanong ni Iris kay Second habang nakahawak sa kamay niya.

"Eh ikaw din po ba ang daddy ko?" tanong naman ni Sam kay First.

Ngiks! Nagkapalit little angels.

"little angels...balik kayo kay mommy..." sabi ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.

"Sino pong daddy ko sa kanilang dalawa?" nakapout na tanong ni Iris.

"Eh ako po?" segunda ni Sam. Napangiti na lang ako sabay tingin sa dalawang lalaki na di rin yata matukoy sa dalawa kung sino ang anak.

"Iris, siya ang daddy mo..(sabay turo ko kay First.) siya si Daddy First." pakilala ko at agad namang tinakbo ni Iris si First na agad naman nitong binuhat.

"*chuckle* Ang gwapo ng daddy ko." ani Iris. Napangiti na lang ako.

"Sam siya naman ang daddy mo, si Daddy Second.." pakilala ko kay Second at agad siyang tinakbo ni Sam. Binuhat na din siya ni Second.

"*Chuckle* gwapo din ang daddy ko..." tuwang tuwang ani Sam. Parang gusto kong maiyak na ewan sa eksena nila.

Ngayong may daddy na sila, kailangan pa kaya nila ako?

Di ko tuloy maiwasang maiyak at di ko nga namalayang naluha na pala ako sa harapan nila.

"Mommy you okay?" sabay na tanong ng mga anak ko kaya maagap kong pinahid ang mga luha ko. Bumaba naman sila mula sa kailang mga ama saka tumakbo papunta sa akin.

"Bakit kayo umiiyak Mommy?" Iris

"May masakit po ba sa inyo mommy?" Sam

"Wala lang to.. little angels. Napuwing lang si Mommy. Sige balik na kayo sa daddy niyo. huh?" nakangiti kong sabi sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila at agad din silang bumalik kina First at Second.

Alam kong nakatingin sa akin ang dalawa ng may pag-aalala kaya nagOK sign na lang ako sa kanila.
Ayaw ko namang magdrama sa unang araw ng pagkikita nila.

Ilang sandali lang ay lumabas din ang mag-asawa kasama si Third at kita ko kung gaano sila kasaya na makita ang mga anak ko. Naglaro sila at nagkulitan. Di ko akalain na may ganitong side pala ang bilyonaryong pamilya nila.

Di ko tuloy maiwasang makaramdam ng takot na baka paggising ko isang araw malayo na ang loob sa akin ng mga anak ko, lalo pa't di naman ako ang tunay nilang ina. Iniisip ko pa lang pero para na akong pinapatay sa sakit.

"You okay iha?" napapahid ako sa luha ko ng marinig ko ang boses ni Miss Victoria.

"Ok lang po. Nagpapahangin lang." pagdadahilan ko kasi lumabas ako kanina para mabigyan sila ng pagkakataong makipagbonding sa mga anak ko. Isa pa, naiiyak talaga ako.

Niyakap naman niya ako agad. Kaya di ko na napigilang maiyak ng tuluyan.

InstaMom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon