Chapter 7: "Tragedy In Alfheim"

3.3K 90 14
                                    

Chapter 7: "Tragedy In Alfheim"

Daphne's POV

Hindi ko namalayang Monday na pala, masyado akong nag-enjoy nitong past sunday.

Kasama ko lang buong sunday sila Anastacia at Floyd na nagsasanay.

Masaya ako kasi kaya ko nang gumamit ng magic power ko.

Sabay-sabay kaming pumasok kaming tatlo.

Habang naglalakad kami papunta sa klase namin ay pinagtitinginan kami ng mga students na madaanan namin.

Haaayyy! Kasalanan ko bang maganda ako? Hahaha!? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?.

Naririnig ko pang pinag-uusapan kami ng ibang students na madaanan namin.

Sa wakas nakarating na rin kami sa klase namin.

Ang klase namin ngayon ay Accersito (Summoning) kaya medyo kinakabahan ako dahil hindi naman ako marunong magsummon ng kung anu-ano.

Pagpasok namin ng classroom ay wala pa ang professor namin.

Habang naglalakad kaming tatlo papunta sa vacant seats ay nakatingin pa rin ang kaklase ko sa amin.

Yung totoo!? Bakit ganyan sila makatingin sa amin?.

"Ano bang problema niyo!?" nabigla ako nang biglang sumigaw si Anastacia.

"May ginawa ba kaming masama sa inyo!?" sigaw niya pa.

Iniba naman nila kaagad sa ibang direksyon ang tingin nila.

"Shh.. Hayaan mo na lang sila Anastacia." bulong ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya at hinila ko na sya paupo.

"Sumusobra na sila eh.. Ano bang ginawa nating mali sa kanila?"

"Wala tayong ginawa, sadyang ganyan lang talaga sila kaya hayaan mo na alng sila, Ok?" kumalma naman kaagad si Anastacia at hindi na nagsalita pa ulit.

"Pinaghintay ko ba kayo ng matagal?" bungad sa amin ni Prof. Darius pagkapasok niya.

"Simulan na natin ang klase natin sa araw na ito. Sumunod kayong lahat sa akin" dagdag niya pa.

Sumunod naman kaming lahat sa kanya. Pumunta kami sa may gate ng school.

"Ano pong ginagawa natin dito Professor Darius?" nagtatakang tanong ni Marco kay Prof. Darius.

"Wala kang karapatang magtanong sa akin dahil ako ang guro dito at estudyante ka lang!." sigaw niya kaya nagulat kaming lahat.

Winagayway niya ang kanyang wand at tinapat sa gate at bigla itong bumukas.

Nagtataka man kaming lahat kung bakit kami lumalabas ng school pero sumunod pa rin kami kay Prof.Darius palabas.

Lalo kaming nagtaka ng pumunta kami sa gubat malapit sa school.

"Ngayon magsimula na tayo... Voca! (Summon!)" sabi niya habang winawagayway niya ang kanyang wand.

May lumabas na higanteng halimaw na isa lang ang mata.

Binunot ng iba ang kanilang wand sa kanilang bulsa kaya binunot ko na rin ito sa bulsa ko.

"Marco!" sigaw ni Prof.Darius kaya napatingin sa kanya si Marco.

"Bilang parusa sa pagtatanong mo sa akin kanina, ikaw ang mauunang lalaban."

"Masusunod po Prof.Darius" sabi lang niya at pumosisyon na siya. Seryoso ba siya? Lalabanan niya talaga si Prof.Darius?.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon