Chapter 20: "Fight until the end"

93 11 0
                                    

Daphne's POV

Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap si Floyd? Saan ba siya pumunta?.

Ganito ba talaga ang gusto niya? Ang mahirapan ako? T_T

Kung ito nga ang gusto niya!? Pwes! Nagtagumpay siya!.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbakasakaling makikita ko si Floyd.

Pero nadisappoint lang ako dahil kahit saan ako tumingin hindi ko siya mahanap.

Nasaan ka na ba?...

"Sinong hinahanap mo?"

"Ay kabayo! Ay tao pala! H-Hehe pasensya na." Nataranta ako dun ah! Hayyy! Bakit kasi bigla nalang sumusulpot ang lalaking ito!?.

"Ayos lang." Nakangiting sambit niya. "Sino bang hinahanap mo? Baka sakaling matulungan kita."

"A-Ahh ehh... W-Wala! Wala akong hinahanap." Bigla siyang natawa ng konti sa sagot ko.

"Mahina ka pala sa pagsisinungaling." Tumalikod na siya sakin at nagsimula ng maglakad.

"Rain!" Sigaw ko ng medyo nakalayo na siya.

Humarap siya sakin at ngumiti. " Sino nga?" Muli niyang tanong.

"S-Si F-F-Floyd" Napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"Halika!" Nakangiting sabi niya. Sumama naman ako sa kanya. Alam kong matutulungan niya akong mahanap si Floyd.

Kailangan ko talaga siyang mahanap para makahingi na ng tawad.

Pakiramdam ko may kulang kapag hindi ko siya nakikita.

Pumunta kami sa may likuran ng arena.

"N-Nasaan si Floyd?." Nagpalinga-linga ako sa paligid pero matataas na pader lang ang nakikita ko.

Dulo na siya ng Anzen Hall so wala ng tao banda dito.

Ngumiti siya bago sumagot. "Maki-isa ka sa hangin at gamitin mo ang iyong pandama, upang masagot ang iyong mga katanungan."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ko ang hangin sa paligid.

"Floyd!" Tumakbo ako palapit sa pader.

Sinubukan kong itulak yung pader. Nararamdaman ko si Floyd sa kabila ng pader na ito.

"Hayyy! Ano bang ginagawa mo dito!?" Napatingin ako sa itaas ng pader ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. "At kasama mo pa talaga yan ah!?." Baling niya kay Rain.

Tumalon si Floyd pababa sa kinaroroonan namin.

"Efraim, jdjdjdjskksks" Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Rain kay Floyd dahil bulong lang yun.

Tinapik ni Rain sa balikat si Floyd at lumapit sa akin.

"Sana maging ayos ka na." Nakangiting sambit niya sa akin at naglakad na palayo sa amin.

"Patawad.." Nakayukong sabi ko.

Hindi ko man lang magawang tumingin sa kanya ng diretso.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang mainit na katawan ni Floyd na yumakap sa akin sa likod.

Hindi ko na napigilan ang mga luha na pumatak sa mga mata ko nang mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"H-Hindi ko kayang *sniff* mawala ka sa akin" Bulong niya sa tenga ko.

Naramdaman kong basa na ang balikat ko dahil sa mga luha niya.

Iyakin din pala ang isang ito eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon