Chapter 16: "Handog"

2.1K 80 16
                                    

Chapter 16: "Handog"

Daphne's POV

"Kyaaaahhhh!"

"Ventus!" Sigaw ko kasabay ng pagwave ko ng aking wand.

"S-Salamat p-po..." Halata sa batang babaeng tinulungan ko ang takot sa kanyang mga mata at nangangatog pa ang mga binti na parang anytime ay babagsak na siya sa lupa dahil sa takot.

"Ayos ka lang-- Oh my!" Mabilis akong lumapit sa kanya saka ko siya inalalayan sa pagtayo.

"Kailangan na nating pumunta sa ligtas na lugar!" Sigaw ni Anastacia.

Tinulungan niya ako sa pag-alalay sa bata.

"Pumaroon tayo sa Anzen Hall. Magiging ligtas tayo doon, dahil may panangga ang lugar na yun laban sa mga masasamang nilalang." Sabi naman ni Floyd saka binuhat si Althea.

Tumango lang ako at nagsimula na kaming naglakad ng mabilis.

Mabilis ang lakad namin dahil pakiramdam ko ay anytime aatakihin kami ng mga nilalang na nasa itaas.

Lumilipad sila na parang mga ibon na naghahanap ng kanilang makakain mula sa himpapawid.

"Aaa---ahhh! H-huwag kayong l-lalapit..." Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa bata at lalapit na sana ako sa babaeng napapalibutan ng mga halimaw.

Ngunit isang kamay ang humawak sa braso ko. Lumingon ako sa likod at tumingin sa taong humawak sa braso ko.

Ramdam ko ang pagmamakaawa ni Floyd sa akin kahit di pa siya nagsasalita.

Sapat na ang mga tingin niya sa akin upang maunawaan ko ang gusto niyang sabihin.

Pero hindi ko pwedeng hayaan na lang ang babaeng yun.

Tumalikod nako sa kanila at nagpatuloy sa paglapit sa babaeng napapalibutan ng mga halimaw.

"Daphne!" Rinig kong tawag sa akin ni Floyd pero hindi ako nagpatinag.

"Hoy!" Mabilis ko namang naagaw ang kanilang atensyon dahil sa pagsigaw ko.

"L-layuan niyo s-siya!" Nakaramdam ako ng takot at nangatog ang aking mga tuhod dahil sa kanilang pagtitig.

Tila ba sa pagtitig pa lamang nila ay nauubos na ang aking lakas.

"Gggrrrhh.." Lumapit sa akin ang ibang mga halimaw.

Tatlo.

Tatlong halimaw ang lumapit sa akin.

"Ventus!" Nagcast ako ng wind force pero tumagos lang ang aking ginawang pag-atake sa kanila.

P-p-paano nangyari yun? Bakit hindi siya tinablan sa ginawa kong pag-atake?.

"Daphne!" Sigaw ng iba. Lalo akong nabalot ng takot ng makita kong halos di na makagalaw ang babae.

"Kadiliman! Balutin mo ang buong paligid!" Nabalot ng kadiliman ang buong paligid pagkasabi ni Anastacia ng mga katagang yun.

"Humanda ka sa pagtakbo!" Sigaw naman ni Anastacia.

Bakit lahat na lang sila sumisigaw? Ganun na lang ba ang takot na binibigay ng mga Abaddon sa lahat ng mga tao dito sa Alfheim?.

"Augundae!" Sigaw ulit ni Anastacia.

Lumiwanag ang mga paa namin at hinila na ako ni Anastacia kaya napatakbo na rin ako.

Habang papunta kami sa Anzen Hall ay nadaanan namin ang mga tao sa school na nakikipaglaban sa mga Abaddon.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon