Chapter 8: "Akala Ko"

3.2K 90 4
                                    

Chapter 8: "Akala Ko"

Daphne's POV

-_o

o_-

o_o

Pagkamulat ng mata ko ay nakita ko ang all white na kwarto.

Umupo ako sa kama para ilibot ang aking tingin sa paligid.

Bakit nandito ako?

Nasa langit na ba ako?

"Daphne!?" napatingin ako kay Anastacia na di ko man lang namalayan na natutulog pala habang nakaupo sa may upuan sa tabi ng kamang hinihigaan ko.

"Anong nangyari? Nasaan ako?" magkasunod na tanong ko kay Anastacia na nagpabago ng facial expression niya. Parang nagulat sya sa mga tanong ko.

"Hindi mo ba naaalala ang mga nangyari noong nakaraang linggo? Yung tungkol sa pagpapanggap ng isang Abaddon na si Gray bilang si Prof.Darius, para lang makapasok sa loob ng Magia Ludum at makapanakit." lalo lang akong naguluhan sa sinabi ni Anastacia.

Sumakit lang ang ulo ko kakaisip sa mga nangyari daw last week. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.

"O-ok ka lang ba Daphne? Huwag mo munang pilitin ang sarili mong alalahanin ang mga nangyari noong nakaraang linggo. Epekto lang siguro ng paggamit mo ng sobra sa iyong kapangyarihan kaya wala kang maalala. Siguradong maaalala mo rin ang mga nangyari." paliwanag ni Anastacia sa akin.

Humiga na lang ulit ako sa kama dahil feeling ko mas makakabuti kung magpapahinga muna ako.

"Sige magpahinga ka muna Daphne." bulong sa akin ni Anastacia habang tinatanggal ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

Nagsmile lang ako sa kanya at tumango saka ipinikit ang aking mga mata.

Kakapikit ko lang ay napamulat ulit ako nang marinig kong bumukas ang pinto at parang may pumasok sa kwarto.

"D-Daphne!" halata sa boses ni Floyd ang pag-aalala.

"Floyd" tila ba hinihila ako ng puso ko palapit sa kanya para yakapin sya, pero walang sapat na lakas ang katawan ko para tumayo.

Umupo ako sa kama para maka-usap sila ng maayos.

"Daphne. Ayos ka na ba?" mula sa likod ni Floyd ay lumabas si Head Master Amadeus.

"O-opo Head Master" sagot ko sa kanya habang nakangiti.

"Mabuti naman kung ganun. Agad kang magpagaling upang agad kang makabalik sa paaralan dahil sigurado akong mangungulila ang ibang estudyante dahil sa iyong pagkawala." Huh? Mangungulila? Tsk wala namang makakamiss sa akin dun noh.

Kung alam lang ni Head Master kung paano ako itrato ng ibang mga estudyante doon.

Sila Anastacia at Floyd nga lang ang kasundo ko eh.

"Siya nga pala. Darating ang anak ng hari sa ating paaralan sa susunod na araw upang makita kung paano magsanay ang mga batang alfhemian sa ating paaralan. Kaya dapat lahat kayong mga magagaling sa paggamit ng mahika ay nandoon."

Huh!? Anak ng Hari? Si mama lang naman ang alam kong anak ng Hari ah.

So that means pupunta si Mama sa school namin!?.

"Talaga po Head Master!?" masayang tanong ni Anastacia kay Head Master.

"Oo Anastacia" sagot ni Head Master.

"Kung ganun dapat pala hindi ako lumiban sa klase upang masaksihan ko ang pagdating ng anak ng hari sa ating paaralan" nakangiting sabi ni Floyd.

Aba! Bakit parang ang saya ng isang ito?.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon