Chapter 10 : "Friendship"

3.2K 73 12
                                    

Chapter 10: "Friendship"

Daphne's POV

"Daphne... Uy? Gumising ka na..." Bulong sa akin ni Anastacia habang hinahawi ang buhok ko.

"Aarrghh... Anastacia maaga pa eh... Five minutes pa pleasseee.." Sabi ko sa kanya habang nakapikit pa sabay takip ng unan sa mukha ko.

Eh wala naman kasing pasok tapos ang aga manggigising.

"Gumising ka na"

"A-anastacia... T-tigilan m-mo Haha! A-ako." Kinikiliti niya kasi ako sa tagiliran ko kaya di ako makapagsalita ng maayos.

"Hahaha! Di kita titigilan hanggat di ka tumatayo dyan! Hahaha!" Tuloy lang siya sa pagkiliti sa akin.

"Hahaha! A-anastacia! Hahaha! T-tama na!" Tumayo na ako sa kama at hinila ko ang kanang kamay niya.

"D-daphne! H-huwag! Hahaha! M-malakas ang kiliti k-ko!" Sabi niya habang kinikiliti ko siya ng todong-todo.

"Hahaha! Dapat naisip mo na yan kanina bago moko kiniliti! Hahaha!"

Grabe! Ang lakas pala talaga ng kiliti niya. Di pa nga dumadapo yung kamay ko sa kanya nakikiliti na siya.

"Hahaha! Arrgghh!" Sigaw niya at tinulak niya ako sa kama kaya napahiga ako.

Tatayo na sana ulit ako at kikilitiin siya pero patayo pa lang ako ay hinampas niya ako ng unan sa mukha kaya napahiga ulit ako.

Sakto namang may nakita akong unan sa tabi ko kaya kinuha ko yun at hinampas rin sa mukha niya.

"Aba! Lalaban ka ah!." Sabi niya sa akin habang nakangisi.

Hahampasin niya sana ako sa mukha pero inilagan ko agad. Hinampas ko naman siya kaso naharang niya kaagad sa kaliwang kamay niya.

Tawa lang kami ng tawa habang patuloy kami sa paghampas ng unan sa isa't-isa.

*knock* *knock* *knock*

"Ahhmm... Daphne?.. Anastacia?.. Bakit di pa kayo lumalabas dyan!? Handa na ang almusal." Narinig naming kumakatok si Floyd at tumatawag sa labas ng kwarto namin ni Anastacia.

"Sssshhhhh... Magpanggap tayong natutulog pa." Bulong sa akin ni Anastacia.

Tumango lang ako at tumakbo kami sa kama naming dalawa at nagtalukbong ng kumot.

"Kapag di pa kayo sumagot ay papasok na ako dito." Sigaw ulit ni Floyd mula sa labas.

Hindi kami sumagot ni Anastacia. Nagpipigil kami ng tawa dahil baka marinig kami ni Floyd.

"Arrghhh! Di talaga kayo lalabas ah!." Sigaw pa ni Floyd na mukhang galit na.

*Booggsshh!*

Sinipa ni Floyd ang pinto ng kwarto namin ni Anastacia kaya bumukas ito. Naririnig ko ang yapak ni Floyd na papalapit sa kama namin.

Nang maramdaman kong nasa harap na namin siya ay bigla kaming tumayo ni Anastacia at tinakip sa kanya ang kumot namin.

"Hahaha! Bilis Daphne hampasin mo ng unan!" sigaw ni Anastacia kaya kumuha naman ako ng unan at hinampas kay Floyd habang tinatakpan sya ng kumot ni Anastacia.

"Patay kayong dalawa sa akin kapag nakawala ako dito!." Sigaw ni Floyd.

"Hahahahaha!" Tawa lang kami ng tawa habang tuloy sa paghampas kay Floyd.

"Omg! Anastacia takbo!." Sigaw ko kay Anastacia ng makawala si Floyd sa pagkakatakip ng kumot. Bumungad sa amin ang mukha ni Floyd na galit na galit.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon