Chapter 1: "What's your Potestatem?"

7.9K 163 54
                                    

Chapter 1: What's your Potestatem?

Daphne's POV

"Ma, anong lugar ba ito!?" tanong ko for the 10th time kay Mama. Mababaliw na ata ako sa mga nakikita ko.

Naglalakad kami ngayon ni Mama sa isang maliit na  village. Natatakot na ako sa lahat ng mga nakikita ko.

Ang lahat ng mga tao ay nagsasaya. May mga nagsasayawan. May mga nagkakantahan. At may mga naglalaro pa ng iba't-ibang magic powers. Nakakatakot diba? Nasaan ba kami? Nasa Encantadia ba kami?

"Don't worry Daphne, This is just a normal scenario in Beldover Village every year. They are celebrating the freedom from the Abaddon" paliwanag ni Mama.

Abaddon? Ano yun? May ganun bang nilalang?.

"Abaddon?"nagtatakang sabi ko kay Mama.

"Yes! Abaddon! Isa silang uri ng nilalang na sakim sa kapangyarihan. Minsan na nilang nasakop ang Alfheim pero ang Supremum Concilium ng Alfheim ay tinalo silang lahat." paliwanag ni Mama.

Tumango na lang ako sa sinabi ni Mama. Naguguluhan man ako pero wala naman akong magagawa sa ngayon para maintindihan ang lahat. Alam kong darating din ang panahon na maiintindihan ko rin ang lahat.

"Sino naman yung mga gustong manakit sa akin?". Bigla kong tanong kay Mama. Naalala ko kasi yung mga halimaw na gustong manakit sa akin nung isang gabi.

"Sa tingin ko mga Abaddon ang mga yun" sagot ni Mama.

O_O

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang malaking Village na napapalibutan ng matataas na pader. Pataas ang Village at may para syang hagdan na sa bawat steps ay puno ng mga bahay na gawa sa mga bato. Sa gilig naman ay may pazigzag na daan na pataas na sa tingin ko sa dulo ay mapupuntahan mo na ang mismong castilyo.

"Daphne Tara na!" sigaw sa akin nin Mama. Hindi ko namalayan na medyo malayo na pala sa akin si Mama. Masyado kasi akong namangha eh.

"Opo" sabi ko na lang at tumakbo palapit sa kanya.

Pagkalapit  namin ni Mama sa may entrance ng Alfheim ay may lumapit sa aming isang babaeng maganda na sa malayo pa lang ay nakangiti na.

Nabigla na lang ako nang bigla syang yumuko sa harap namin.

"Maligayang pagbabalik po Queen Lyra" bati nya habang nakayuko .

"Maraming salamat Veteris" sabi ni Mama sa babae habang nakangiti din.

Napangiti na lang ako bigla. Hindi ko aklaing Reyna talaga si Mama dito sa Alfheim.

"Hindi po maaaring ganyan ang inyong kasuotan sa pagharap nyo sa mga taga Alfheim" sabi nung Veteris kay Mama.

"Pahintulutan nyo po ako Queen Lyra" dagdag nya pa. Hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ni Veteris kay Mama.

"Sige, gawin mo ang nararapat" pagsang-ayon ni Mama.

Tumango lang si Veteris at winagayway nya ang kanyang hawak na stick na sa tingin ko ay magic wand yun.

Nabigla na lang ako ng may liwanag na lumabas sa magic wand nya at pumunta sa amin.

O_O

O_O

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon