Chapter 15: "Mystery"

2.6K 72 12
                                    

Chapter 15: "Mystery"

Someone's POV

Sige. Namnamin niyo na ang mga pagkakataong mahahagkan niyo pa ang mga taong importante sa buhay niyo.

Sisiguraduhin kong darating ang araw na hindi niyo na magagawang ngumiti man lang dahil sa mga gagawin ko.

Magsisilbi akong bangungot sa buong Alfheim.

Winagayway ko ang aking wand at nilisan ko na ang Magia Ludum.

Daphne's POV

After ng incident na nangyari kanina sa fields ay napagdesisyonan naming umuwi na muna para mapahinga muna si Althea.

Sinabi ko naman kay Anastacia at Floyd na ako na ang bahala kay Althea pero tumanggi sila sa gusto ko.

Gusto daw nila na magkakasama kaming harapin lahat ng mga problemang dumarating sa buhay namin.

Pumayag naman ang school at ang mga Prof sa gusto namin dahil naiintidihan nila ang mga nangyayari.

"Nagluto na ako ng makakain natin. Tara na." Napatingin naman ako kay Anastacia na masayang lumabas sa kusina.

"Sige." Tumayo na ako sa sofa. "Tara na, Althea." Humarap ako kay Althea at tumayo na din siya. Sabay kaming tatlo na pumunta ng kusina.

"Nasaan pala si Floyd?." Tanong ko kay Anastacia.

"Ang bilis mo naman atang mangulila sa akin." Napatingin naman ako kay Floyd na nakasunod lang pala sa amin.

Nakangisi pa siya na parang nang-aasar.

"A-Ah!? H-Hindi kaya!" Umiwas ako ng tingin sa kanya para hindi mapansin ang aking mukha na sa tingin ko ay namumula na dahil sa hiya.

"Asus! Hindi daw. Pero bakit tila ba kamatis ang iyong mukha dahil sa sobrang pula nito?."

Argh! Talagang nakisali pa si Anastacia sa pang-aasar sa akin.

"A-Ano bang pinagsasabi niyo!? T-Tara na nga. Kumain na nga lang t-tayo!." Saad ko sa kanila ng hindi man lang makatingin sa kanila.

"Tama si Mama. Kumain na lang tayo." Seryosong sabi ni Althea.

Yesss! Buti may kakampi ako. Hahaha.

Hindi na lang nagsalita sila Anastacia at Floyd. Umupo na kami sa mga upuan namin at nagsimula ng kumain.

"Hoy! Bata! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Inangat ko ang tingin ko kay Floyd na bigla na lang nagsalita na medyo mataas ang boses.

Beast Mode On!. -_-

"Ako ang unang nakakuha." Napatingin naman ako kay Althea.

Hindi man lang nagbago ang facial expression niya.

"Anong nakakuha? Hindi mo pa nga nakukuha eh. Kaya akin na ito."

Kukunin na sana ni Floyd ang last piece ng karne pero mabilis na kinuha ni Althea yun gamit ang tinidor niya.

"Oh ngayon nakuha ko na." Nananatili pa rin ang walang emosyong tingin ni Althea kay Floyd na para bang nakatingin siya sa walang kwentang bagay.

Iaangat na ni Althea ang tinidor kung saan nandun ang karne ng mabilis na agawin ni Floyd ito.

"Sinabi ko ng akin na ito eh!." Lalong nagtaas ang boses ni Floyd.

Bakas din ang inis sa mukha niya dahil sa salubong niyang mga kilay at nakakunot na noo.

Pilit na inaagaw ni Althea ang karne kay Floyd pero mabilis niya itong iniiwas kay Althea.

Isusubo na ni Floyd ang karne pero napahinto siya sa pagsubo.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon