Chapter 3: "Magic Wand"

3.8K 96 7
                                    

Chapter 3: "Magic Wand"

Daphne's POV

Ang unang teacher ay Illusionist. Ano naman kaya ang second teacher namin? Naku naman! Maloloka ako sa mga nangyayari eh. Nandito ako ngayon sa field, walang masyadong tao dito at maraming puno kaya masarap magpahangin dito.

"H-hi?" nabigla ako ng biglang maghi yung babae kanina.

"A-ako ba?" nagaalangan na tanong ko.

"Oo, ikaw. Bago ka dito diba?"

"Oo bago ako dito" ngumiti ako sa kanya.

"Ako si Anastacia!" nakangiting sabi nya at nakahaya ang kamay sa akin.

"Ako naman si Daphne!"

"Friends!?" masayang tanong nya.

"Friends!!" sagot ko naman. May bago nakong kaibigan agad sa school. Sana lahat ng students dito ay gaya nyang mabait.

"Tignan mo oh! Diba sya yung babaeng nanggulo kanina sa klase natin?" Girl1

"Oo nga, kasama nya pa yung Loser na Augendae!" Girl2

"Tumigil nga kayo!" inis na sabi ni Anastacia sa kanila.

"Bakit!? Kaya mo na bang lumaban!?" Girl2.

"Oo nga! Hamak na Augendae ka lang naman eh!!" Girl1.

"Aba! Minamaliit nyo ba ako!" sigaw ni Anastacia.

"Ipakita mo ang kaya mo! Loser!" Girl2.

"Arrrgghhh!! Kaiinis talaga kayo!" kinuha ni Anastacia ang magic wand nya sa bulsa nya at winagayway nya ito "Strength Augmentation!!" sigaw nya.

"Hahaha.. Sabi ko na nga ba eh! Isang Augendae Power nanaman mula sa isang Loser!" Girl1.

"Loser pala ah!!" Sinuntok ni Anastacia ang lupa at nagulat na lang ako ng magcreate ang pagsuntok nya sa lupa ng malakas na lindol.

"Aahhhh!!" sigaw nung dalawang babae na kanina ay sobrang tapang pero ngayon ay parang mga batang umiiyak sa takot.

Tumakbo na sila palayo sa amin ni Anastacia. Namangha talaga ako sa powers ni Anastacia. Paano nya nagawang maging ganun kalakas?

"Hahaha. Sila naman pala ang mga talunan eh!" sigaw ni Anastacia.

"Paano mo nagawa yun??" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hahaha! Huwag mo nga akong lokohin! Huwag kang magpanggap na hindi mo alam ang ginawa ko!" Oo nga pala, ang alam pala nila ay normal akong mamamayan dito.

"E-eh kasi nanggaling ako sa Mundo ng Tao kaya wala akong alam sa mga m-magic." nakayukong sabi ko.

"HUH!! Totoo ba yun!?" sigaw nya.

"Oo eh" sagot ko naman.

"Haaayy sa bagay di naman ikaw ang unang taong nanggaling sa ibang mundo eh"

"Talaga!?"

"Oo, May iba pa. Pero ang ang mga taong yun ay hindi nagtatagal sa mundong ito dahil wala silang magic." paliwanag nya.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko"

"Ay! Oo nga pala! Ang ginawa ko ay isang uri ng Support Power na tinatawag na Augendae Power. Ang mga taong may Augendae Power ay may ability na palakasin ang kakayahan niya o ng isang tao."

"Ikaw?Anong uri ng Potestatem meron ka?" Lagot na! Eh hindi ko pa nga napapalabas ang power ko eh. 

"A-ah.. E-eh.. Hindi ko pa alam eh."

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon