Chapter 18: "Shadow VS. Darkness"

2.8K 106 70
                                    

Chapter 18: "Shadow VS. Darkness"

Daphne's POV

"Floyd!" sigaw ko habang hinahabol ko siya.

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya nang bigla akong matapilok, na naging dahilan ng pagkadapa ko.

"Aghh!" Daing ko. Hinipan ko ang sugat sa tuhod ko at tumayo na ng mabilis.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Floyd ngunit wala na akong Floyd na nakikita sa paligid.

Saan na ba nagpunta yun? At bakit ba siya nagkakaganun?.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa pagod at sakit ng tuhod ko. Dagdagan pa ng lungkot na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari.

"Daphne!?" Sigaw ni Anastacia habang tumatakbo palapit sa akin kasama si Althea.

Pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Ssshh.. Tama na. Magiging maayos din ang lahat." Bulong niya sa akin.

Nang mahimasmasan ako ay bumalik na rin kami sa lobby ng Anzen Hall.

Ilang minuto din kaming naghintay bago pa nagsimula ang paligsahan.

Ang mechanics ng paligsahan ay una mamimili ka ng bato sa isang jar. Bawat bato ay sumisimbolo sa bawat estudyante.

Kung sinong estudyante ang nagsisimbolo sa batong napili mo ay siyang makakalaban mo.

Madali lang ang mechanics ng paligsahan pero ang mahirap lang dun ay estudyante ang makakalaban mo.

Pero dahil isa itong school, may isang rule na kailangang sundin. Kapag sinabi na ng mga Prof. na hindi ka na pwedeng lumaban sa sitwasyon mo, tapos na ang laban.

Kaya sure akong walang mapupuruhan ng todo sa paligsahan na ito.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid para mahanap si Floyd pero hindi ko pa rin siya mahanap.

Makakasali pa kaya siya sa paligsahan?.

Lumapit na lahat ng mga sasali sa paligsahan sa harapan kaya lumapit na rin ako dun.

Nang makalapit ako sa Jar na kung saan nandun ang mga bato ay may kakaibang bato na pumukaw sa atensyon ko. Kakaiba ang kulay at hugis nito kumpara sa ibang bato sa loob ng jar.

O_O

Hindi ko namalayan na hawak ko na pala ang batong yun.

Hinawakan ko ng mahigpit ang bato at itinago ko na ito sa bulsa ko.

"Huwag kang matakot. Alam kong kaya natin ito." Nabawasan ang kaba ko kahit papaano ng marinig ko si Anastacia sa tabi ko. "Tara na." Sumunod naman ako sa kanila.

Papunta na kami sa battlefield kung saan gagawin ang paligsahan.

Nang makarating kami sa battlefield ay nakita namin ang mga Prof. na nakaupo sa mga silya sa itaas ng field.

Tumayo si Prof. Nixon at lumapit sa Magia Tochi.

"Ang unang sasabak sa paligsahan ay si... Althea." Tumingin ang lahat kay Althea.

Siya kaagad!? Grabe na firstblood si Althea.

Inilabas niya ang napili niyang bato. Lumiwanag at lumutang ito sa ere na tila ba may sarili itong buhay.

Maitim ang pinili niyang bato at umuusok ito ng kulay itim.

"K-Kage!" Nauutal na sigaw ni Prof. Nixon.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon