Chapter 19: " The Fight of the Amazon"

2.2K 88 62
                                    

Chapter 19: "The Fight of the Amazon"

Daphne's POV

*booggsshh!*

Hindi na tumigil ang pagyanig ng lupa simula nung maglaban sila Anastacia at Jack.

Halos hindi na ako kumurap dahil sa mga nakikita ko. Matindi ang labanan nilang dalawa

Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Anastacia. Nakikita kong malakas talaga si Jack, tamaan lang siya ng isang suntok ay siguradong hindi na siya magigising.

Pero habang pinapanood ko siya ngayon ay tila ba wala man lang siyang nararamdamang takot.

"Hanggang kailan ka ba tatakbo? Anastacia!" Umaalingawngaw sa buong paligid ang boses niya.

Nakakapangilabot ang boses niyang napakalaki.

Ngumisi lang si Anastacia at hindi na nagsalita habang si Jack ay tuloy lang sa pagsuntok sa kanya.

Hindi siya natatamaan sa mga suntok ni Jack pero sure akong mapapagod din siya sa pag-iwas.

Anastacia...

Anastacia's POV

Aaminin kong medyo napapagod na ako sa kakaiwas sa mga suntok na ginagawa ng bakulaw na ito. Ngunit hindi pa ako makakuha ng tyempo.

Makahanap lang ako ng tyempo, siguradong tataob siya.

"Arrgghh!"

*Boogggsshhh!*

Sinubukan kong atakihin siya, ngunit nasalag niya lang ang sipa ko at inihagis niya ako ng malakas.

Awww-- Halos hindi na ako makatayo dahil sa ginawa niyang paghagis sa akin.

Pinilit ko pa ring tumayo kahit sobrang hirap.

"Parang hindi babae ang kalaban mo ah." Nakangising sambit ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Bahagya siyang natawa. "Alam mo namang isa itong paligsahan, kaya hindi dapat iniisip ngayon kung bata ba, babae ba, o matanda ba ang kalaban mo. Kailangang ibuhos ng bawat kalahok ang kanilang buong lakas." Medyo nabuhayan ako sa sinabi niya.

Tama siya! Kailangan kong ibuhos lahat ng lakas ko upang manalo dito. Upang makasama ko ang aking mga kaibigan.

"Augundae Impetum! (Attack Enhancer!)"

Nabalot ako ng liwanag. Ramdam ko ang pagdaloy ng kapangyarihan sa aking buong katawan.

"Kaunta Kogeki! (Counter Attack!)" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

Nakita ko sa mga mata niya ang gulat. Ngunit ilang sandali lang ay ngumisi siya at tumakbo na rin palapit sa akin.

Tila ba isa siyang malaking espada na maaaring ikamatay ng sino mang dampian nito.

At ako naman ay isang mahabang sibat na hindi uurong sa kahit sinong haharang sa aking harapan.

*Boooggsssshh!*

Halos masira na ang buong arena dahil sa lakas ng pagsasalpukan naming dalawa.

Pareho kaming tumilapon papalayo sa isa't-isa. Medyo nahilo ako dahil tumama ang ulo ko sa batuhan pero pinilit ko pa ring tumayo.

Daphne's POV

Pinilit ni Anastacia na tumayo kahit medyo nahihilo pa siya. Nang makatayo siya ay kaagad na tumungo ang kanyang tingin kay Jack na hanggang ngayon ay hindi pa rin makatayo.

Kanina lang ang yabang pa niyang magsalita ah!? Bakit ngayon halos di na siya makatayo?.

Puro lang ata yabang itong isang toh eh.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon