Chapter 4: "Meet Efraim Floyd Fortem"

3.7K 111 5
                                    

Chapter 4: "Meet Efraim Floyd Fortem"

Daphne's POV

Ngayon ko lang nalaman na dalawang subjects lang pala bawat araw ang tinuturo sa school na ito.

Kaso nga lang three hours ang bawat subjects kaya nakakabaog ang bawat subject. Hindi lang dahil sa oras, pati na rin ang mga lessons sa bawat subjects.

Ang unang subject ay Praesidium.

Tinuturo sa subject na yun kung paano mo ipagtatanggol ang sarili mo gamit ang iyong mahika.

Mahika na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam gamitin.

(-__-)

Ang pangalawang subject sa araw na ito ay ang Offensionis.

Tinuturo naman sa subject na yun kung paano makipaglaban.

Ang mga magic na tinuturo dito ay yung mga uri ng magic na ginagamit para makapaminsala o makapanakit ng ibang tao.

Thursday ngayon kaya sa wakas last day na ang pasok bukas.

Haaaayyyy!! First day ng pagpasok ko ngayon pero feeling ko ayoko ng pumasok ulit.

Kaya mo yan Daphne! Hindi ka dapat sumuko!

Alam kong matututo rin akong gumamit ng magic kaya hindi ako dapat mapanghinaan ng loob.

Uuwi na nga ako. Sabay kuha ko ng bag ko sa bench at nagsimula ng maglakad.

"Uy!? Daphne!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Anastacia pala na tumatakbo palapit sa akin.

"Oh! Anastacia! Bakit?" sabi ko sa kanya pagkalapit nya sa akin.

"Saan *sign* ka pupunta?" medyo hinihingal pa sya habang nagsasalita dahil sa pagtakbo niya kanina.

"Uuwi na ako" sabi ko sa kanya na medyo naguguluhan. Eh bakit naman kasi nagtatanong pa siya? Uwian na diba? Natural uuwi na ako.

"Hahahahahahaha!!"

"Ok ka lang ba? Anastacia" nababaliw na ata ang babaeng ito eh. Bigla na lang siyang tumatawa ng walang dahilan.

"Hahahahaha! Kasi naman, ano bang sinasabi mong uuwi? Eh hindi naman pwedeng lumabas ng School na ito hanggat hindi natatapos ang school year. Pwera na lang kung emergency."

Feeling ko pinag sakluban ako ng langit at lupa ng marinig ko ang sinabi ni Anastacia sa akin.

"ANO!!?" napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya napatingin sa akin yung ibang student na nandito.

"Daphne, hindi ba sinabi sayo ang tungkol sa bagay na yun?" tanong niya sa akin.

"H-hindi eh" malungkot na sabi ko habang nakayuko.

Haaayyy!!

Wala na rin naman akong magagawa eh. Bakit di naman kasi ako ininform about sa bagay na yun. (-__-)

"Paano yun? Saan ako titira?" tanong ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala mayroon namang dorm dito. Gusto mo bang magkasama na lang tayo sa dorm?"

"Pwede!? Sige magkasama na lang tayo!" masayang sabi ko.

Atleast siya ang makakasama ko sa dorm kesa naman sa iba.

"Sige dun ka na lang sa amin!" masayang sabi ni Anastacia.

"Kaso nga lang may iba tayong kasama. Haayyy! Huwag na lang natin siyang isipin, palagi naman yung wala eh."

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon