Chapter 11: "Lux Duo"

2.8K 76 0
                                    

Chapter 11: "Lux Duo"

Daphne's POV

Gutom na gutom na talaga kami ni Anastacia. Kaya naman naghahanap kami ngayon ng isang stall na nagtitinda ng mga pagkain.

"Daphne! Ayun na yung stall na nagtitinda ng mga pagkain." Nashocked ako ng biglang sumigaw si Anastacia.

"Kung sino ang mahuli, siya ang magbabayad ng kakainin natin." Sigaw ni Anastacia at biglang tumakbo.

Aba! Ang daya naman ng babaeng ito. Kakasabi pa nga lang niya tapos bigla na siyang tatakbo.

Tumakbo na rin ako ng mabilis para man lang mahabol ko siya. Pero di ko man lang siya mahabol dahil gumamit siya ng Magic kaya sobrang bilis niya. Kung ganun pala, gagamit na din ako ng magic ko.

Kinuha ko ang wand ko at winave ito sabay sigaw. "Ventus!"

Pinakiramdaman ko ang hangin at kinontrol ko ito papunta sa aking mga paa.

Ang galing!.

Feeling ko ay lumulutang ako sa hangin. Tumakbo na rin ako ng sobrang bilis.

Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang mukha ni Anastacia ng makita niyang magkatabi na kaming tumatakbo.

Ang ganda ng laban namin. Isang Enhancer laban sa Wind User. Nagulat na lang ako ng takirin ako ni Anastacia.

Na-out of balance tuloy ako. Pero mabuti na lang at kakampi ko ang hangin. Lumutang lang ako sa hangin kaya di ako natumba.

Ganitong laban pala ang gusto mo ah. Kinontrol ko ang hangin.

Gumawa ako ng malakas na Wind Force at tinira ko sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya halos tumilapon siya dahil sa lakas ng force.

Pinigilan niya ang pagkakatumba niya gamit ang mga paa niyang naka-enhance gamit ang magic niya.

Tumakbo siya palapit sa akin. Di ko mapredict kung ano ang balak niya. Omg! Muntik nako doon ah.

Ikaw ba namang sipain ng naka-enhance na paa. Mabuti na lang mabilis akong naka-iwas.

May malakas na force ang nacreate ng sumipa si Anastacia kaya nasira ang mga puno na natamaan nito. Buti na lang puno lang ang natamaan at hindi stall or mga tao.

"Hahahaha! Malakas ka na talaga ngayon Daphne! Hahahahaha!" Sigaw ni Anastacia at tumatawa pa na parang isang witch na napapanood ko sa TV.

Grabe naman siya. Sobrang competitive talaga ng babaeng ito.

Ayaw niya talagang magpatalo kahit kanino eh. Simpleng race lang ito pero parang gusto niya na akong patayin eh.

At in the end. Nakarating na rin kami sa food stall.

At syempre sino pa ba ang mananalo.

Edi siya.

Eh ang daya niya kaya. Ako mabilis lang ang paa.

Pero siya mabilis ang buong katawan. Sa sobrang bilis ng mga pag-atake niya ay hindi ko na maiwasan or mashield man lang.

Kaya in the end.

Natulak niya ako kaya tumilapon ako. Ang lakas ng pagkakatulak niya eh. Feeling ko tuloy mapipilayan ako.

"Hahahahaha! Hindi mo pa talaga ako matatalo, Daphne." Baliw ang babaeng ito.

Makasigaw naman siya parang walang ibang tao dito eh.

Di ko na lang siya pinansin at tuloy na lang ako sa pagkain.

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon