Chapter 2: "The Illusionist"

4.6K 112 10
                                    

Chapter 2: "The Illusionist"

Daphne's POV

I decided na papasok na ako sa isang school kaya naman nang matapos na ang pag-uusap ni Mama at Lolo ay pinuntahan ko si Mama sa kwarto nya. Hiwalay kasi kami ng kwarto ni Mama eh.

Pagkapunta ko sa kwarto ni Mama. Nakita ko syang nakatingin lang sa bintanang malaki na halos abot na sa kisame ng kwarto. Nandun din si Ate Veteris, nakatayo lang sya sa tabi ng pinto na parang nagbabantay lang.

"Ok ka lang ba Ma?" tanong ko. Mukha namang nagulat si Mama sa bigla kong pagpasok.

"Oh Daphne! Ok lang naman ako, ikaw? Ok ka lang ba?"

"Medyo naninibago lang po ako, pero ok naman ako dito" sagot ko sa kanya. Paano ko ba sasabihin ang balak ko?

"Mabuti naman kung ganun. Don't worry alam kong masasanay ka rin dito"

"A-ahmmm.." Nag-aalangan talaga akong sabihin eh.

"Ano yun?" nagatatakang tanong ni Mama.

"G-gusto ko po kasing mag-aral d-dito eh" sabi ko habang kinakamot pa ang ulo.

"Pero Daphne ang lahat ng school dito sa Alfheim ay Magic School lang"

"Don't worry Ma, aware naman po ako dun"

"At paano mo naman nalaman ang tungkol sa bagay na yun? tanong ni Mama.

"Aahhmm.. Gusto ko po kasi talagang mag-aral sa isang Magic School eh"
 sabi ko habang nakayuko at nakatitig lang sa sahig na tila ba yun ang bagay na pinaka interesting sa mundo.

Hinihintay ko lang magreact si Mama sa sinabi. Pero bakit di sya nagsasalita? Tumingin ako kay Mama at nabigla ako sa reaction nya.

^_^

Huh? Anong meron? Bakit todo sya makangiti?

Tinignan ko lang si Mama ng tingin na puno ng pagtataka. "Hindi ka galit Ma?" tanong ko sa kanya.

"Daphne.. Bakit naman ako magagalit kung alam ko namang ginagawa mo lang yun para malaman ang Hidden Power mo. At alam ko namang tanggap mo na ang ating lahi" sabi ni Mama habang todo ang ngiti.

"At makakatulong ang pag-aaral mo sa Magic School para maipagtanggol mo ang sarili mo laban sa mga gustong manakit sayo." Dagdag pa ni Mama.

Napangiti ako sa mga sinabi ni Mama sa akin. "Thank you Ma" sabi ko at niyakap ng mahigpit si Mama.

"I love you Ma" sabi ko habang magkayakap kami.

"I love you too Anak" sagot naman ni Mama.

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya. "Veteris, gusto ko sanang pag-aralin si Daphne sa paaralan kung saan ako nag-aral" sabi ni Mama kay Ate Veteris na kanina pa nakatayo sa tabi ng pinto.

"Sa Magia Ludum po?" paninigurado ni Ate Veteris.

"Oo Veteris" sagot naman ni Mama.

"Ako na po ang bahala sa kanya Mahal na Reyna"

"Salamat" sabi ni Mama habang nakangiti.

"Ngunit wala pong dapat makaalam na si Daphne ay inyong anak. Dahil maaaring malagay sa panganib ang buhay nya sa oras na malaman ng iba na sya ay ang prinsesa ng Alfheim."

Huh? Bakit naman? Mapanganib ba ang maging isang prinsesa? Hindi ko maintindihan si Ate Veteris.

"Naiintindihan kita Veteris" sabi naman ni Mama. Eh bakit ako di ko sya maintindihan.

"Hindi ko po kayo gets" Hindi ko talaga sila gets eh.

"Daphne, Walang pwedeng makaalam na isa kang prinsesa. Dahil kapag may nakaalam na ikaw ay isang prinsesa pwede ka nilang patayin" Naku naman, bakit parang ang hirap nun. Kapag may nakaalam na prinsesa ako, papatayin nila ako? At bakit naman?

Alfheim: World of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon