Chapter 22

1.6K 40 1
                                    

Pagkatapos naming manood pumunta kami dito sa Mang Inasal at dito na kami kumain nang dinner.

"Ang sarap talaga nang soup nila rito, asim kilig." Napatingin ako kay Zac.

Natawa tuloy ako. "Para ka talagang bata."

Nag-pout naman sya. "Hindi kaya."

"Anong hindi kaya? Para ka talagang bata. Haha."

Sinamaan nya ako nang tingin. "Kumain kana nga lang dyan."

Kumain na nga lang ako pero hindi ko talaga mapigilang di tumawa. Nakakatawa kasi e *tears of joy emoticon"

"Bakit ka ba tawa nang tawa?"

Napatingin naman ako kay Zac na ngayon ay nakasimangot. "Wala naman."

"Anong wala naman? Bakit nga kasi?"

"Nakakatawa ka kasi e. Para kang bata, pero ang cute, bagay sa'yo." Sabi ko na lang para hindi na sya mag-pout dahil hindi naman talaga bagay. At aba, nagliwanag ang mukha at 'yung ngiti umabot sa tenga.

"Talaga? Edi palagi na lang akong magpa-pout para sabihin mong cute ako."

Napa-poker face naman ako. "Hangin mo naman."

"Cool ko kasi."

"Mukha mo."

"Gwapo."

"Asa."

"Hahaha." Para talaga syang bata kumilos ngayon.

Napailing na lamang ako nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko 'to at sinagot.

"Hello Jane?"

[Asan ka?]

"Nasa mall."

[Sino kasama mo?]

"Si Zac."

[New bestfriend mo?]

"Bye na." Binabaan ko na s'ya dahil gutom na gutom talaga ako at gusto kong kumain.

"Sinong Jane?" Tanong sakin ni Zac.

"Bestfriend ko."

"Chicks ba?"

Sinamaan ko s'ya nang tingin. "Tumigil ka Zac."

"Sorry na, nagjo-joke lang naman e."

"Hindi nakakatawa."

"Kaya nga sorry na e." Hindi ko na lang sya pinansin at kumain na.

---

"Thanks ulit sa paghatid." Sabi ko kay Zac.

"Lagi naman e, kaya 'wag ka nang mag-thank you."

Tinaasan ko s'ya nang kilay. "Ano? Nagrereklamo ka?"

Agad naman syang nabigla. "H-huh? Anong nagrereklamo? Hindi a."

Pinanliitan ko sya nang mata. "Siguruduhin mo lang ha?"

"Opo opo." Sabi nya habang tango nang tango na parang batang pinapagalitan.

"Sige, umalis kana."

Nagpoker face naman sya. "Wow. Ganyan kaba magpaalis nang kaibigan?"

"Oo. Kaya umalis kana sa harapan ko."

"Hanep ka rin e." Sabi nya habang pumapalakpak.

"Hindi kapa aalis?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Aalis na po. Goodnight po!" Tapos tumakbo na sya papunta sa elevator.

Nakita ko pa syang nag-wave at nag-flying kiss. Napailing na lang ako, sira ulo talaga 'to.

Campus Bitch {COMPLETED}Where stories live. Discover now