Andito ako sa corridor nang school namin, Thursday na ngayon.
Hinihintay ko kasi si Abby e. Nangako ako kay Zac kahapon na kakausapin ko si Abby.
Sakto namang dumarating s'ya at tila may sariling mundo dahil kasama nya si Gio.
Nung nagkita na ang landas namin agad akong nagsalita. Wala nang paligoy-ligoy pa. "Abby, pwede ba tayong magusap?" Nagulat pa s'ya 'nung tinanong ko 'yan sa kanya.
Tiningnan nya muna si Gio. 'Nung nakita nyang tumango si Gio ay tumingin naman sa'kin si Abby. "Sige. Spill."
"In private." Nagulat naman s'ya.
"Private talaga? Importante ba 'yang sasabihin mo?" Tanong nya sa'kin.
"Importanteng importante." Napailing naman s'ya at bumitaw sa pagkakahawak kamay nila ni Gio.
"Gio, maguusap lang kami ni Kyla a."
"Sure. Take your time with her. Mauna na ako sa room?"
"Sige." Tapos nagkiss sila sa harap ko.
Natigilan naman ako 'don.
"Halika na?" Yaya sakin ni Abby. Tumango na lamang ako.
---
Andito kami sa rooftop ni Abby. Ang akward dahil walang nagsasalita samin.
"Ano ba 'yong sasabihin mo? Kanina pa tayo andito wala namang lumabalas sa bibig mo? Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?" Tapos tiningnan nya ako.
"Kung iniisip mo na tungkol 'to kay Gio pwes nagkakamali ka."
Nanlaki naman agad ang mga mata nya. See? Si Gio na lang lagi ang nasa isip nya tuwing nakikita ako. "E kung hindi si Gio, sino?"
"Alam mo wala ka nang pakeelam sa ibang tao simula na naging kayo ni Gio, simula 'nung ikasal kayo. Nakakainis ka Abby kung alam mo lang."
"Diretsuhin mo na ako, Kyla. Ano ba talaga ang gusto mo?"
"Magsabi ka nga nang totoo, totoo ba ang kasal nyo ni Gio?" Natahimik naman 'sya. So totoo ang sinabi sa'kin ni Gio kahapon nang gabi?? Na peke lang ang kasal nila?
How pathetic.
"Akala ko ba hindi tungkol kay Gio ang paguusapan na'tin?" Ako naman ang natahimik, oo nga pala. Ang tanga ko talaga kahit kelan.
"Wala, kalimutan mo na lang muna ang tanong na 'yon."
"Bakit ayaw mo kong diretsuhin? Please naman o." Tiningnan ko s'ya.
Gusto nya ba talagang diretsuhin ko s'ya at wala nang paligoy ligoy pa? Osige. "Minahal mo ba talaga si Zac?" 'Don sya natigilan at nabigla.
Napailing ako. "O ginamit mo lang s'ya?" Tanong ko pa ulit.
Yumuko s'ya. "Hindi ko s'ya mahal at hindi ko s'ya ginamit."
Nabigla ako. "A-ano? Hindi mo s'ya mahal at hindi mo s'ya ginamit? E bakit naging kayo?"
"Bakit mo ba tinatanong 'yan?"
"Dahil nangako ako kay Zac kahapon na kakausapin kita tungkol dito."
"Ano bang meron si Zac at lagi kang nasa tabi nya? Girlfriend kaba nya?"
Napangisi ako. Naalala ko 'yung pretend thingy namin ni Zac. Kailangan talaga namin 'yon, hindi para pagselosin si Gio, si Abby.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Answer me! Girlfriend kaba nya?"
Tiningnan ko s'ya nang may ngisi sa labi ko. "Pano kung sabihin kong oo?"
YOU ARE READING
Campus Bitch {COMPLETED}
Teen FictionSi Kyla Mae Santos. Ang tinaguriang bitch sa isang Campus. Royale Campus ang pangalan. Lahat nang nagaaral don ay matatalino, at isa na don si Kyla. Star Section sya kaya sobrang talino nya, hindi lang matalino, maganda at tinitingalaan ng lahat dah...