Hanggang ngayon hindi parin kami nakakarating sa Caramoan. 6:30 na ng umaga at lahat kami gising na, 'yung iba nagkwe-kwentuhan, kumakain, nagbabasa ng wattpad. Hindi lang naman si Ate Jessela eh, lahat kaya kami nagbabasa.
Pati nga si Zac eh, pero puro 'yung kay Cecelib ang binabasa. Masyadong SPG. Tss.
Nagbabasa si Zac ngayon kaya hindi ko sya magawang kausapin.
*Beep beep*
I sigh at tiningnan ang cellphone ko. Nag-text na naman sakin si Gio. Pero asa naman syang rereplayan ko sya? Tss.
From Gio:
Ang sweet nyo ni Zac ha? Nakaakbay pa talaga sya sayo. Inggit na ako. Wahahaha!
Yep, nakaakbay si Zac sakin. Nililigawan nya ako diba?
Napatingin ulit ako sa cellphone ko dahil nag-vibrate na naman ito.
From Gio:
Look at your right. :* I'm there.
Agad akong napalingon sa kanan ko and then I saw... Gio smiling at me. Inalis ko ang tingin sa kanya at ni-replayan ko sya.
To Gio:
Pwede bang tantanan mo ko? Wala ka ng mapapala sakin. Hindi na kita gusto o mahal. Hindi na ako intirisado sayo. Kaya please naman, tigilan mo na ako. Hindi kana nakakatuwa. -_-
Tiningnan ko sya ulit at nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin sya sakin habang tumutulo ang mga luha nya. Ang lungkot ng mukha nya pero nakuha parin nya ako ngitian. Isang tunay na ngiti. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng guilt ngayon. Naaawa ako kay Gio, totoo 'yon. Kahit naman papano eh may pinagsamahan kami.
*Beep beep*
Napatingin naman ulit ako sa cellphone ko.
From Gio:
Hindi ako susuko sayo, kahit ayaw mo na. Hindi kita titigilan hanggang sa hindi kita nakukuha kay Zac. Liligawan ulit kita. Pagdating natin sa Caramoan, magpapakita na ako sa kanila.
Titingin sana ako sa kanan ko ulit para makita sya pero biglang nagsalita si Zac na nagpatigil sakin.
"Liligawan ka ulit ni Gio? Tapos nagte-text pa sya sayo? Ginagago mo ba ako, Kyla?" Kalmadong tanong sakin ni Zac pero ang seryoso ng boses nya.
"Hindi naman sa ganon, Zac. Atsaka hindi na ako papayag, I mean na hindi ko na sya sasagutin ulit dahil hindi ko na sya mahal. At wala na muna sa isip ko ang pag--"
"So kahit ligawan kita, hindi mo ko sasagutin? Basted agad? Dahil ano? Dahil wala na sa isip mo ang pagmamahal? Masyado kang makasarili."
Natahimik ako. Nakakatakot sya. Parang hindi na sya 'yung Zac na nakilala ko.
"Malakas parin ang tama ni Gio sayo no?" Biglang tanong nya pero nakatingin na sya sa harap. "Siguro mahal mo parin sya." Mahinag sabi nya at tumawa ng mahina.
Kaming dalawa lang ang nakakarinig ng mga usapan namin kasi 'yung iba busy sa cellphone o kaya naman ay nananatili paring tulog.
"Look Zac, hindi ko na mahal si--"
"Then stop texting him, itigil mo ang lahat ng koneksyion nyo sa isa't isa. Ginagawa mo naman akong gago nyan eh!"
YOU ARE READING
Campus Bitch {COMPLETED}
Teen FictionSi Kyla Mae Santos. Ang tinaguriang bitch sa isang Campus. Royale Campus ang pangalan. Lahat nang nagaaral don ay matatalino, at isa na don si Kyla. Star Section sya kaya sobrang talino nya, hindi lang matalino, maganda at tinitingalaan ng lahat dah...