TUESDAY na ngayon pero hindi ako pumasok. Wala ako sa mood e. Lagi naman.
6:47am na pero nakahiga parin ako dito sa kama ko nang mag-ring ang phone ko.
Tiningnan ko kung sino ang caller, si Zac. Sinagot ko naman ito.
"Hello Zac, napatawag ka?"
[Papasok kaba?]
"Hindi."
[Ha? Bakit naman?]
"Wag ka nang masyadong matanong. Bye na."
[Teka lang, mamayang hapon pupunta ako dyan ha?]
"At bakit?"
[Gusto lang kitang makita.]
"Ikaw bahala."
[Talaga? Sige, thank you. Bye.]
"Bye-- *toot toot"
Babaan daw ba ako? Ang sama naman ni Zac.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko, tapos lumabas na ako nang kwarto ko at dumiretso sa kusina.
Binuksan ko ang ref at don ko lang napagtanto na wala na pala akong mga pagkain. Ganon ba ako katakaw?
Pumunta ako sa taas at naligo tapos nag-dress ako nang black na above the knee at lumabas nang condo.
Atsakto, nakasalubong ko si Ate Cass. Pupunta ba sya ulit dito sa condo ko? Ba't ba ang kulit nya?
"Hi Kyla. San lakad mo?" Nakangiti nyang tanong sakin.
"Mall."
"Magma-mall ka? Sino kasama mo?"
"Wala."
"A, sama na lang ako sayo."
"Ayoko nang may kasama kaya sorry."
Aalis na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko. "Ba't ba ang sungit mo na sakin? Dati naman close na close tayo ha?"
"Past is past, Ate Cass." Tapos tinalikuran ko na sya.
"Dahil ba sa kapatid ko?" Natigilan ako sa paglalakad dahil sa tanong nya.
Napatingin naman ako sa kanya. "I told you, past is past."
"Because of Gio, thats why your acting like that. Gio's effect." Sabi nya habang umiiling-iling.
"Shut up, Ate Cass. Kung ayaw mong magalit ako sayo."
"Matagal kanang galit sakin, Kyla. Kaya okay lang kahit sampalin mo ko in public, duruan mo ko sa mukha in public, wala akong pake. Hindi naman ako ang iskandalosa."
"Bakit ba lagi kang andito? Bakit ba lagi mo kong gustong makasama?"
"It was Gio's command. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko 'to ginagawa. Alam mo, nagaaksaya ako nang oras para sayo pero anong ginagawa mo? You keep rejected me."
Napairap ako. "Wala akong pake. Atsaka pakisabi kay Gio na kaya ko na ang sarili ko at malaki na ako kaya 'wag nya na utusan ka para puntahan ako dito."
"He loves you. He still loves you."
"Enough! Tama na please."
"Hindi--"
"Casselyn!! Tama na!"
Natigilan sya dahil hindi ko na sya tinawag na Ate Cass. Naiinis narin ako.
"Just leave me alone, hindi ko kayo kailangan. Nananahimik na 'yung tao kaya tigilan nyo na." Tapos tumalikod na ako at nagsimulang umalis.
Tama naman ako diba?
YOU ARE READING
Campus Bitch {COMPLETED}
Roman pour AdolescentsSi Kyla Mae Santos. Ang tinaguriang bitch sa isang Campus. Royale Campus ang pangalan. Lahat nang nagaaral don ay matatalino, at isa na don si Kyla. Star Section sya kaya sobrang talino nya, hindi lang matalino, maganda at tinitingalaan ng lahat dah...