Chapter 17

1.8K 45 1
                                    

Ngayon na ang araw na gaganapin ang kasal ni Abby at Gio. Hindi ako pupunta.

Andito lang ako sa kwarto ko dito sa condo nang marinig ko ang pag-door bell.

Tumayo agad ako at inayos ang sarili ko tapos agad akong bumaba at binuksan ang pinto.

Si Ate Cass.

"Hi Kyla! Aba lalo kang gumanda ngayon ha? At teka lang, bakit hindi kapa nakaayos?" Tanong nya sakin.

"Hindi po kasi ako dadalo."

"Ano? Bakit naman?" Kita ko sa mga mata nya ang lungkot.

"Sorry po talaga Ate Cass." Isasarado ko na sana ang pinto nang pigilan nya ako.

Hinawakan nya ang kamay ko. "Please pumunta ka, Kyla. Invited ka tapos hindi ka pupunta? Ano kaya 'yon?" Tapos naging malungkot ang itsura ngayon ni Ate Cass.

Final desicion na 'to, hindi talaga ako dadalo.

"Hindi naman po porket invited ako ay hindi na ako pwedeng hindi dumalo. Ate Cass, ayoko po talaga at wala kayong magagawa. Sorry po dahil naabala ko pa po kayo."

Hinawakan nya nang mahigpit ang kamay ko. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na po."

Nakita ko namang lalong lumungkot ang mukha nya at binitiwan na ang kamay ko.

"Wala na ba akong magagawa para baguhin ang isip mo?"

Umiling ako. "Wala na po."

Nakita ko naman syang tumango at binigyan ako nang isang pekeng ngiti. "Sige, sasabihin ko na lang kay Gio. Salamat sa time mo, Kyla. Bye na ha?"

"Sige po. Magiingat po kayo." Niyakap ako ni Ate Cass at umalis na sya.

Sinarado ko na ang pinto at naupo sa sofa nang tumunog naman ang door bell.

Hindi paba umalis si Ate Cass? Tumayo ako at binuksan uli ang pinto. Akala ko si Ate Cass, si Jane pala.

Pumasok na sya at naupo sa sofa. Sinarado ko na ang pinto at tumabi sa kanya.

"Nakita kong galing dito si Ate Cass. Anong ginawa nya dito?" Tanong nya sakin.

"Pinapapunta nya ako sa kasal ni Abby at Gio pero tumanggi ako."

"Gusto mo paba si Gio, Kyla?" Natigilan ako sa tanong ni Jane, pero nakatingin lang sakin si Jane.

Seryoso ba sya? Bakit sa lahat nang pwedeng itanong bakit 'yan pa?

"Hindi ko na sya gusto Jane, ano kaba? Naka-move on na ako."

"Talaga?" Bakit ba nag kulit nya? Naiinis na ako!

"Tigilan mo muna ako Jane at hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon." Nakita ko naman syang tumango na lamang.

Tumayo ako. "Don muna ako sa kwarto, magluto kana nang almusal at tawagin mo na lamang ako kapag tapos na." Sabi ko kay Jane at pumunta na sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama ko at pumikit. Ano bang nangyayari sakin?

---

Andito na ako sa kusina at sabay kaming kumakain ni Jane.

Tahimik lang kaming kumakain nang may kumatok sa pinto.

"Ako na." Sabi ni Jane at tumayo tapos pinagbuksan nang pinto ang kumatok.

"Oh ikaw pala 'yan, Chloe. Pasok ka." Rinig kong sabi ni Jane.

Hindi ko na lang sila tiningnan at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Si Kyla?" Rinig kong tanong ni Chloe.

"Andon sa kusina at kumakain. Halika na?"

"Okay." Tapos naramdaman ko na lamang na andito na sila sa tabi ko ngayon.

Nakita kong naka-puting dress si Chloe. At san naman ang lakad nito?

"Akala ko nakagayak kana, Kyla. Diba invited ka sa kasal nina Abby't Gio?" Natigilan ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

Isang seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. "Hindi ako dadalo." Tapos pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

"Huh? Bakit naman--"

"Bakit ako pupunta sa kala na 'yon kung makikita ko ang ex ko na ikakasal sa iba?!" Hindi ko na mapigilang hindi sumigaw dahil inis na ako.

Paulit-ulit na lang.

"Nagseselos kaba?" Tanong sakin ni Jane, nasabunutan ko nang di oras ang sarili ko at tumayo.

"Pwede ba tigilan nyo na ako sa kakatanong? Hindi ako dadalo, ano bang hindi nyo maintindihan don?" Tapos tiningnan ko silang pareho, ngayon ko lang napansin na naka-dress din pala nang puti 'tong si Jane.

"Kyla--"

"Shut up." Tapos naupo uli ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Naupo silang dalawa sa tabi ko pero nagsalita ako. "Umalis na kayong dalawa at nagsisimula na ang kasal. Wag nyo na akong pilitin pang sumama dahil hindi talaga ako dadalo. Please lang."

Nakita kong nagtinginan ang dalawa tapos tumayo.

"Sige una na kami Kyla, sorry." Rinig kong sabi ni Jane.

Hinawakan naman ni Chloe ang balikat ko. "Sorry ha. Uuwian ka na lang namin nang pagkain. Haha." Tapos umalis na silang dalawa.

"Ahhh! Ano ba talagang nangyayari sakin?!" Sigaw ko. Uminom ako nang tubig at mabilis na inubos ang pagkain ko.

Pagkatapos hinugasan ko na ang pinagkainan ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong naligo at nagbihis nang puting dress.

Tapos kusa ring akong bumaba at ni-lock at pinto nang condo ko at pumunta sa parking lot.

"Seriously? May sariling mundo ba 'tong katawan ko?" Tanong ko sa sarili ko nung nakasakay na ako nang kotse ko.

---

Andito na ako sa kung san gaganapin ang kasal ni Gio at Abby.

Hindi muna ako lumabas nang kotse dahil nakita kong nasa harap na pareho ang bride and groom, magkahawak ang mga kamay at naguusap.

Tapos maya maya nakita ko na lang na nag-halikan sila. Tumulo ang mga luha ko, bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi muna ako umalis. Hinintay kong matapos ang kasal nila at nagulat na lang ako dahil pareho silang nag-ngitian.

At nakita kong pumalakpak ang mga tao. Pinagmasdan ko lang silang dalawa.

"Bakit ganito Gio? Bakit?" Tanong ko habang nakatingin kay Gio na nakahawak ang kamay kay Abby at nakangiti. "Si Abby na ba talaga ang gusto mo?" Hindi ko alam kung bakit eto ang lumabas sa bibig ko.

Nag-drive narin ako paalis, hindi papunta sa condo ko. Sa mall.

---

Andito ako sa SB at umiinom nang frapped.

"Pwedeng maki-share?" Tiningnan ko ang nagsalita, lalaki sya.

Tiningnan ko ang buong paligid nang SB, wala na nga syang mauupuan.

"Sure." Ngumiti naman sya sakin at naupo sa harap ko.

"May kasama ka?" Tanong nya. Feeling close lang? Pero sumagot din naman ako.

"Wala."

"Ako nga pala si Zac." Zac? What a nice name.

"Kyla." Tanging sabi ko.

"Okay." Tapos uminom na sya nang frapped.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi tumingin sa kanya.

Oo, ang gwapo nya. Pilipino sya pero ang dating nya ay Americano e. Hindi kaya may half 'to?

"Matunaw naman ako." Agad akong napaiwas nang tingin.

Nakakahiya.

"Hindi ikaw ang tinitingnan ko." Sambit ko na lang.

"You know what, your cute."

And my heart skipped a beat after he says that.

Campus Bitch {COMPLETED}Where stories live. Discover now