Clarisse Note: Short update lang po ito. Sorry ^_^
***
Kakauwi palang namin ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko para kinabukasan ay hindi na ako mataranta sa pagaayos. Gabi na ngayon at kakatapos lang namin ma-hapunan.
Habang nagaayos ako ng mga gamit ko ay hindi ko maiwasan na maalala ang huling sinabi ni Gio kanina samin sa mall bago sya umalis.
"Liligawan ko po ulit ang anak nyo. Sorry po. Pangako ko po sa inyo na this time, hindi na sya masasaktan ulit."
Dapat lang Gio. Dapat lang na hindi na ako masaktan ulit. Dahil hindi na ako magpapaka-tanga sayo. At kapag nanligaw ka, basted ka agad. Hindi na ako 'yung Mae na nakilala mo, dahil ako na si Kyla.
Tiningnan ko ang cellphone ko dahil nag-vibrate ito. It's Jane, Chloe and Zac. Eh? Sabay sabay? Magkakasama ba sila ngayon o nagkataon lang?
From Jane:
Hindi daw sasama ang parents ko, so ako lang magisa. It's okay. Kasama mo rin ang parents mo diba? I mean, ang family mo?
From Chloe:
Good news, hindi sila sasama sa Caramoan bukas! Pero kasama ko 'yung boyfriend ko. *_*
From Zac:
Babe, hindi sila sasama bukas. Masyado silang busy eh :( Okay lang 'yan. Masosolo naman kita :*
Natawa na lang ako sa mga text nila, hindi ko na sila ni-replayan pa at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko ng mag-vibrate na naman ang cellphone ko.
From Gio:
Sasama ako sa inyo bukas sa Caramoan, pero hindi ako sasabay sa inyo. I'm watching every move you do, Mae. (^3^)
I was schocked and speechless. What the heck?!
2:30am na ngayon ng madaling araw at lahat kami andito na. Hinihintay 'yung van na maghahatid samin patungong Caramoan. Pano kasi sina Mommy at Daddy tinawagan pa si Tito Rhod na mag-drive patungong Caramoan.
Yep, tito ko si Tito Rhod.
Tiningnan ko ang mga kasama namin. Andito na si Jane sa tabi ko habang si Chloe ay kasama 'yung boyfriend nya na si James.
Si Kuya naman at Ate Jessela ay magkasama. Suot-suot ni Ate Jessela ang jacket ni Kuya. Ang sweet. Haters ng Love is me. -_-
Si Zac naman at ang parents ko ay masayang nag-uusap. Pero I feelt guilt. Mali ang ginagawa namin ni Zac, why? Parehas naming ginagago ang family namin para lang sa pretend thingy na 'yan.
Kausapin ko kaya si Zac na itigil na namin ang pretend thingy naming dalawa? Bahala na nga lang.
*Beep beep*
Agad kong kinuha sa bulsa ng leggings ko ang cellphone ko.
From Gio:
I'm here. ;)
Agad akong napalingon sa paligid at nabigla ako dahil nakita ko si Gio na nakasandal sa isang pader at nakatingin sakin.
YOU ARE READING
Campus Bitch {COMPLETED}
Teen FictionSi Kyla Mae Santos. Ang tinaguriang bitch sa isang Campus. Royale Campus ang pangalan. Lahat nang nagaaral don ay matatalino, at isa na don si Kyla. Star Section sya kaya sobrang talino nya, hindi lang matalino, maganda at tinitingalaan ng lahat dah...