Chapter 28

627 16 8
                                    

Lunch time:

Lunch na ngayon at kumakain kaming apat sa canteen. Yep, kasama na namin si Zac. Pero tahimik lang ako na kumakain. Nagtataka na nga rin si Zac kung bakit, 'yung dalawa naman hindi na lang nagsalita kaya hindi na lang din nagsalita si Zac.

"Zac, may gagawin kaba this sembreak?" Tanong ko bigla.

This is not me kaya ibabalik ko si Kyla. I hate being Mae. Being Mae is so boring, sad, pain. Lahat na ata ng malas napunta sa second name ko which is Mae.

"Wala naman, bakit?"

Tiningnan ko sya. "Magswi-swimming kami kasi sa Caramoan next week. Alis namin ay linggo ng gabi. Gusto mo bang sumama?" Tanong ko.

"Yep. Pero... hindi ba nakakahiya?"

Napasimangot naman ako sa tanong nya at muling kumain atsaka sya sinagot. "Tatanungin ba kita kung hindi nakakahiya? Mag-isip karin."

Natawa naman sya ng mahina at biglang ginulo ang buhok ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko kay Zac.

"Ang cute mong magalit talaga o mapikon. Lagi na talaga kitang aasarin, okay lang naman siguro 'yon no?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Anong sabi mo? Lagi mo kong pipikunin kasi ang cute ko kapag ako naiinis o napipikon? Gusto mo bang ipalapa ko sayo ang kamao ko ngayon din ha? Hindi ka nakakatuwa. 'Wag kana lang sumama."

"Uy sorry na. Hindi ka talaga mabiro ano? Atsaka, hindi ko nga alam kung sasama ba ako o hindi eh. Pero sige, sasama ako para may bantay sa inyo. Mga babae pa naman kayo, tapos walang lalaking magbabantay sa inyo? Lalo kana Kyla, ang stupid mo naman din eh."

Napatayo ako sa huli nyang sinabi. Iniinsulto ba ako nito? "Are you fucking insulting me, Zac? Hindi kana talaga nakakatuwa as ever. Pwede na ba kitang ipatapon sa mars? Bwiset kana eh."

Natawa na naman sya. Ganon din ang mga tao dito sa canteen, nagtatawanan na.

"Ang sweet nila no?"

"Tss. Hindi kaba updated? Sila na kaya."

"Malandi kasi 'yang Kyla--"

"Ssh. Pwede bang itikom mo 'yang bibig mo, Sel? Baka makatikim ka ng bitch word mula kay Kyla. Iiyak ka na lang na luhaan."

"Tss."

"Pre, wala na tayong pagasa. Taken na si crush natin."

"May chance pa 'yan. Lapitan kasi natin kapag wala si Zac sa tabi nya."

"Great idea."

Napailing na lang ako sa narinig kong bulungan.

"Wag mo naman akong ipataon sa mars, sobra ka naman. Pero sa puso mo pwede pa." Nakangising sabi nya sakin sabay kindat na nagdulot ng matinding tilian, nakikitili narin sina Jane at Chloe.

"Tss." Inis na sabi ko na lang at naupo na at uminom ng tubig atsaka tiningnan ng masama si Zac. "Manahimik ka Zac. Baka mag-break tayo ngayon." May halong pagbabanta kong sabi sa kanila.

Hindi nila alam ang pretend thingy namin ni Zac. Don't get me wrong, wala akong nararamdaman para kay Zac ha? He's just my boy bestfriend. 'Wag kayong ano dyan.

"Pagsisisihan mo pag nakipag-break ka sakin, Kyla." Nakangisi parin nyang sabi.

Bakit ba hindi mawala-wala sa kanya ang ngisi nya? Uupukan ko na 'to mga tol. -_-

"As if naman na magsisisi ako? Okay fine, break na tayo."

Pagkasabi ko 'non ay naghiyawan na naman ang mga tao at bumulong na naman pero rinig ko parin.

Campus Bitch {COMPLETED}Where stories live. Discover now