Ilang araw ko ring iniiwasan si Bryan.
Hindi ko sya pinapansin.
Hindi ko sya kinakausap.
Hindi ko rin inuutusan.
Hindi na rin ako sumasabay sa kanya sa kotse.
Nagpapasundo nalang ako kila May at Andrea.
Kahit mga kaibigan ko napapansin narin.
Maging si Mang George.
Nagulat nga ako ng tinanong nya ako kahapon kung galit daw ako kay Bryan. Nginitian ko nalan sya. Alangan na sabihin kong opo, napakamanhid po kasi ng anak nyo.
Kaya ito, tag-sipag ako ngayon.
Wala akong utusan ehhh..
Ako tuloy gumagawa ng mga dapat na gawain nya.
" Uhmmm .. Mang George, Uhmmmm ... Manang Lupe, pwede po ba akong mamasyal sa mall ngayon? " gusto kong lumabas ngayon. Naboboring ako ehhhh.. Tapos na naman mga gawain ko ehhh ..
" Sino naman kasama mo hija? " tanong ni Manang Lupe.
" Uhmmm ... Wala po. Ako lang mag-isa."
" Naku, hindi pwede hija. Maraming masasamang loob ngayon. Baka mapahamak ka. Kami malalagot sa magulang mo. Pero kung gusto mo talagang lumabas ay pasasamahan ka namin kay Bryan. " mungkahi ni Mang George.
Ha ? ! Hindi pwede !!!
Iniiwasan ko nga yung mokong na yun ehhh...
Tapos pagsasamahin yo naman!
" Pa, hindi pwede hindi pa ako tapos sa ginagawa ko." singit ni Bryan habang nagpupunas ng kotse.
" Hindi na po kailangan. Sandali lang naman po ako ehh.. Uuwi din po ako agad."
Sana pumayag ! Ano ba? ! Hindi pwede !
" Hija, hindi talaga pwedeng wala kang kasama. Bryan, sige na magbihis ka na. Ako ng tatapos nyan. " pagpupumilit ng tatay nya.
Hayyyy ! Ano pa ba magagawa ko?
Mas matanda sila .
Umakyat na ako para magbihis at ganun din si Bryan.
" Sige po alis na kami. " pagpapaalam ko kila Manang Lupe.
Sumakay na kami sa kotse.
Dun sya umupo sa driver's seat at ako naman sa likod.
Wala pa ring imikan.
Nilagay ko nalang yung earphone ko sa tenga at nakinig nalang ng music.
" Andito na tayo." gising sakin ni Bryan habang tinatanggal yung seatbelt at bumaba sa sasakyan.
Nakatulog pala ako. Hindi ko man lang namalayan.
Tsk ! Bastos talaga ! Hindi man lang ako ipinagbukas ng pinto ! Dirediretso.
" San ka ba pupunta ? " -- Bryan.
Hmpppppp !
Bahala sya sa buhay nya.
Hinding hindi ko sya kakausapin.
Nilampasan ko lang sya at nagtulo-tuloy na naglakad.
Napadaan ako sa isang botique ng mga damit :)
Pumasok na ako sa loob pero yung mokong na yun !
Ayun ! Tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad !
" Miss may I help you? " bati nung magandang saleslady habang nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/1087360-288-k243053.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever In Love With You (ON HOLD)
Teen FictionPano ba maibabalik ang kahapon? nung musmus palang kayo at masaya? pero pano kung nagbago ang lahat at nainlove ka sakanya na wala ng ginawa kundi ang sungitan ka. May mangyayari kaya?