Dedicated para sakanya ..
Salamat nga pala sa pag-add ng story ko sa reading list mo :))
Sana ma-appreciate mo yung way ko to say thank you :">
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Alyana's POV:
Nagising ako ng maaga,naalala kong ngayon pala yung quiz ko.
Ngayon yung araw na pinaghandaan namin ni Bryan.
Nagmadali akong bumangon papuntang c.r. dala-dala ang tuwalya ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Tapos nag-ayos ng buhok at mukha.pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay kinuha ko na yung notes ko at binasa.
Isa pang sulyap para makabisado ko.
Hanggang pagbaba ko ng hagdan papuntang dining area ay hawak-hawak ko pa rin yung notes ko at binabasa.
Pagkababa ko ay si Manang Lupe agad ang nadatnan ko sa mesa.
" Oh hija, magandang umaga. Ang aga mo atang nagising? Gigisingin palang sana dapat kita. " bati nya sakin habang naghahanda ng agahan.
Pero dahil busy ako sa pagrereview at pagmememorize ay wala akong naibigay na sagot.
Hindi ko na rin napansin na nakababa at naka-upo na rin pala si Bryan sa mesa.
Namalayan ko nalang ang pagdating nya nang batiin sya ni Manang Lupe.
" Magandang umaga anak. "
" Magandang umaga rin po ma! " sabay halik sa pisngi ng nanay nya at bumalik ulit sa pagkaka-upo.
" Himala! Maganda ata ang gising mo? Nakatulog ka ba ng maayos? "
BRAYN'S POV :
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay mama.
Nakatulog nga ba ako ng maayos?
Sa totoo kasi ay hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Madalas sumagi sa isip ko kung gaano na kadikit ang mga mukha namin ng mga oras na yun.
" Ha? Eh? O-opo. " yun nalang yung nasagot ko kay mama tapos ay sabay sulyap kay Alyana.
Busy sya. Kakareview. Nagmememorize ng mga important terms dun sa natalakay ko sakanya kagabi.
" Hija, may exam ba kayo at nagrereview ka? " tanong ni mama kay Alyana.
Natigilan pa sya at parang nagulat.
" Ha? Ahhh .. Eh .. Pasensya na po. May big quiz lang po ako ngayon. "
" Ahhhh .. Ganun ba? Teka, yan ba yung sinasabi mo kagabing ituturo sayo ni Bryan? " natigilan kaming dalawa sa tanong ni mama.
Nagkatinginan kami.
Naalala ko yung nangyari kagabi habang tinuturuan ko sya.
" Ha? Ahhhh .. Opo. Yun nga po. " sagot nya.
" Natuto ka naman ba o inaway at sinungitan ka lang ng anak ko? "
Kumakain na ako nang magtanong si mama ng ganun kay Alyana. Nung akmang susubo na ako ay nahinto ito dahil sa tanong ni mama.
Nagkatinginan ulit kami ng matagal.
Nakita ko sa mga mata nya ang pagtataka. Hindi ata nya alam kung ano ang isasagot nya. Naisip rin nya ata yung nangyari kagabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/1087360-288-k243053.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever In Love With You (ON HOLD)
Novela JuvenilPano ba maibabalik ang kahapon? nung musmus palang kayo at masaya? pero pano kung nagbago ang lahat at nainlove ka sakanya na wala ng ginawa kundi ang sungitan ka. May mangyayari kaya?