ALYANA'S POV:
Napahaba rin pala ang tulog ko ngayon ahhhh ...
Hindi na rin ako nakapaghapunan.
Nakakagutom naman.
Kagigising ko pa lang. Alangan na matulog ulit ako!? Wala naman akong magawa sa kwarto.
Kaya lumabas muna ako at pumuntang garden para lumanghap ng sariwang hangin.
O.O ??????????????????????
Anong ginagawa ng taong ito dito?
Aalis na sana ako kaso ...
" Gising kana? Ang haba ng tulog mo ahhh? "
Biglang nagsalita si Bryan.
Napansin ata ako.
Kaya kinausap ko narin.
Baka may masabi nanaman pag hindi ko pinansin.
" hmmm.. oo ehhh .. " sabay hawak ko sa batok ko.
" Anong nangyari sa'yo kanina?"
Umupo ako sa may hagdan kalapit nya.
" Hmm .. Wala lang yun. " sabay pakita ng ngiting peke.
" Anong wala? Eh hindi mo nga inubos yung pagkain mo kanina. Tapos bigla ka na lang umalis." nakatingin sya sakin habang nagsasalita. Hindi mo malaman kung galit ba o nag-aalala.
" Di ba sabi ko nun na pupunta lang ako ng c.r.?"
" Oo nga, pero hindi kana bumalik. Hindi ka narin pumasok sa huli nating klase. Anong nangyari sayo?"
" Wala nga yun. "
" Eh bakit ka malungkot? Bakit ka umiyak? "
Pano nalaman nitong lalaking ito yun?
Nakita ba nya ako?
Ganun ba kahalata yung mata ko?
" Hindi ako umiyak noh? !" sabay iwas ng tingin sa kanya. Baka namamaga pa yung mata ko at mas lalo nyang mahalata.
" Anong hindi? May nakakita kaya sayo noh ? ! Sabi nya malungkot ka daw at mukhang katatapos lang umiyak. "
Oo nga pala, maraming nakakita sakin kanina.
Pero sino naman ang chismosong hindi nakatiis na nagdaldal sa lalaking toh?
Baka maputol ko dila nun !
" Hindi nga sabi. Sinungaling yung nagbalita sayo nun. "
" Kilala ko yung taong yun. Hindi sya sinungaling. "
Sino ba kasi nagsabi sayo haaa?!
Si May?
Si Andrea?
Sino ba?
Imbes na makipagtalo sakanya ay tumahimik nalang ako.
Tutal wala naman akong pag-asang manalo dito sa taong to ehhh ..
Ilang segundo ring nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Siguro napagod ding makipagdiskusyon sakin.
Alam nya kasing hindi rin ako magpapatalo sakanya.
Pero hindi ko sinasadyang makapagbitaw ng mga salita. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para masabi ang mga ganung bagay.
BINABASA MO ANG
Forever In Love With You (ON HOLD)
Teen FictionPano ba maibabalik ang kahapon? nung musmus palang kayo at masaya? pero pano kung nagbago ang lahat at nainlove ka sakanya na wala ng ginawa kundi ang sungitan ka. May mangyayari kaya?