"Ahhhhhhh .. Good Morning!" bati ko sa sarili ko with matching unat-unat pa ng mga kamay.
"Hayyyyyyyyyyyyyyy!" (-___-) Napabuntong hininga nalang ako. Naalala ko kasing lilinisin ko nga pala yung kwarto ni Bryan ngayon. Ang lupit nya kasing mangblackmail. Supperrrr effective!
Urgghhhhhhh! Naiinis nanaman ako kay Bryan. Napapayag nya kasi ako. Nauto pa. Akalain ko bang yung dealer pala ng meatshop yung tumawag at hindi si mama? Pero akala ko, hindi talaga tatawag si mama kagabi.
*FLASHBACK*
Bago kami tuluyang matulog kagabi ay tumambay muna kami sa may sala para makapanood muna ng TV. Kaya lang, biglang nagring yung telepono.
Si Bryan ulit ang sumagot.
"Hello." bati ni Bryan pagka-angat ng telepono.
"Magandang Gabi po sa inyo Ma'am Elizbeth."
Narinig ko yung sinabi nya. Narinig kong binanggit nya yung pangalan ni mama. Napatingin pa ako sa kanya. Napatingin din naman sya sakin tapos nagflash nanaman yung ngiti nyang wagas.
>.>
<.<
^________^
Ang pinagkaiba lang, dinilaan ko lang sya tapos inirapan. Anong akala nya? Maniniwala ako sakanya? Pagkatapos ng nangyari kanina? Hindi na uyyyyy! Siguro ay nauto nya ako nung una, pero hindi na ngayon. Nadala na ako. At hindi na ako magpapaloko pa.
"Si Alyana po? Ok lang naman po sya." Nakatingin lang sya sakin habang knakausap yung nasa kabilang linya. Pinapaalala pa rin nya sakin yung deal namin sa pamamagitan ng pagsenas. Tsk!
"Opo. Gising pa po sya." Sya? Ako ba yung tinutukoy dun?
"Alyana ohhh .. Kausapin ka daw ng mama mo." Sinesenyas sakin ni Bryan na iaabot nya sakin yung telepono kaso ayaw kong tanggapin. Baka mamaya, kung sino-sino nanamang tao yang ipapakausap nya sakin ehhhh .
"Mama mo mukha mo!" Binaling ko nalang ulit sa panonood ng TV yung atensyon kokaso bigla syang lumapit sakin tapos hinila ako patayo papunta sa kinalalagyan ng telepono.
"Ang adik mo din eh noh? Mama mo yan. hindi na ako nagjojoke o nagtitrip." Bigla nyang inabot sakin yung telepono. Tapos lumapit sa may bandang tenga ko at tsaka sya bumulong.
"Tumupad ako sa usapan. Sana ikaw din." Pagkatapos nun ay iniwan na nya ako at nagtungo na sa kwarto nya para matulog.
Si mama kaya talaga to? Kinakabahan kasi ako ehhh .. Baka mamaya ibang tao nanaman to at mapahiya nanaman ako.
Pero sabagay ..
Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan.
Pero lagot ka lang talaga sakin Bryan pag hindi si mama ito.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"Hello anak! Si mama mo ito." parang biglang tumalbog ang puso ko sa narinig ko. Boses yun ni mama. Di ako maaaring magkamali. Si mama nga yung tumawag. Totoo na nga ito. Hindi na nagbibiro si Bryan.
"Ma, napatawag po kayo?"
Ayun! Nangamusta lang naman si mama. Nagtatanong kung ayos lang daw ako, kung lagi daw ba akong kumakain, baka nagugutom na daw ako, kung nagkakasakit daw ba ako, kung ok lang daw ba ako sa bahay at syempre ang grades ko sa school.

BINABASA MO ANG
Forever In Love With You (ON HOLD)
Teen FictionPano ba maibabalik ang kahapon? nung musmus palang kayo at masaya? pero pano kung nagbago ang lahat at nainlove ka sakanya na wala ng ginawa kundi ang sungitan ka. May mangyayari kaya?