" Bryan, mahal na mahal kita! "
" Alyana, I ..... "
KRING ! KRING ! KRING ! KRING ! KRING ! KRING !
" Bwisit naman ohh .. Istorbo naman yung alarm clock. Andun na ehhhh .. Konting konti nalang ehhhh ... May I na nga ehhh .. " sabay hampas at hagis ko sa unan.
Nananaginip lang pala ako.
Akala ko naman totoo na nagpunta kami ni Bryan sa isang lugar tapos nagtapat na daw ako sakanya dun.Kaso hindi ko na nalaman pa yung sagot nya. Nagring agad yung bwisit at pambitin na alarm ehhh ..
Naligo na ako at nagbihis para pumasok sa school.
Syempre konting ayos muna ..
Suklay-suklay, pulbo-pulbo, lipstick-lipstick, sabay ayos sa palda & ready na ako bumaba kaso ..
Naalala ko bigla yung nangyari kahapon.
Naalala ko yung sinabi ni Bryan.
FLASHBACK !
" Itigil mo na yan ha !!! Ayaw kong iniiwasan mo ako. Hindi ko yun gusto."
END OF FLASHBACK !
Ano daw? Anong ibig nyang sabihin?
Kagabi ko pa iniisip yun kaso hindi ko talaga maisip !
Ayaw nya daw na iniiwasan ko sya?
Bakit? Anong gagawin ko?
Alam nya bang ang hirap nyang intindihin at pakisamahan?
Hayyyyy ! Basta ! Bahala na !
Bumaba na ako ...
" Good Morning Mana -- .... "
" Wala si mama. Maagang umalis papuntang palengke."
" Eh si Mano -- ... "
" Kasama ni mama."
Ha? Ibig sabihin kami lang dalawa dito ngayon? Kasi day-off nung isa naming katulong tapos yung isa naman umuwi ng probinsya dahil may sakit daw yung anak nya.
Tsk ! Ano ba tong nangyayari na toh ?
" Kumain ka na para makapasok na tayo."
Kumain nalang ako. Katulad ng dati. Hindi ko sya matingnan ng mata sa mata. Medyo iwas pa ako ng konrti.
Konti lang naman .. Sapat na para hindi nya mahalata ..
" Tapos ka na? Tara na. " yaya sakin ni Bryan.
Tumayo na ako sa lamesa at nilagay yung pinagkainan ko sa lababo.
Kukunin ko na sana yun bag ko kaso ..
" Teka ! Wait ! Ako ng .... " hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko.
Binuhat na ni Bryan yung bag ko.
Hmmmmm .. First time ahhhh ..
Pero mas kinilig ako ng hinawakan nya yung kamay ko palabas ng bahay.
Nahihiya akong tumingin sakanya.
Baka makita nya na namumula ako.
Bakit nya kaya ginagawa toh?
Anong nakain nun?
May problema ba yun?
O baka, may kailangan sakin?
BINABASA MO ANG
Forever In Love With You (ON HOLD)
Fiksi RemajaPano ba maibabalik ang kahapon? nung musmus palang kayo at masaya? pero pano kung nagbago ang lahat at nainlove ka sakanya na wala ng ginawa kundi ang sungitan ka. May mangyayari kaya?