Chapter 19

106 5 1
                                    

BRYAN's POV:

"Bryan, ano mas gusto mo? Pink or yellow?"

"Hoy!" bigla akong natigilan at nagulat nung bigla nalang tapikin ni Camille yung kanang balikat ko.

"Tulala ka ah? May problema ba?" hinarap nya ako sa kanya at tsaka nya ako tiningnan sa mukha.

"Ha? Eh .. Wala naman. May iniisip lang ako." Ang totoo ay nawawala talaga ako sa katinuan ngayon. Pshhh! Iniisip ko kasi si Alyana. Ano na kayang ginagawa nun? Baka mamaya, punit-punit na lahat ng mga damit ko. Hindi ko pa naman alam kung marunong gumamit ng washing machine yun. Dapat pala iba nalang ang pinagawa ko sakanya.

"Ang sama mo talaga noh? Ako ang kasama mo pero iba naman pala ang iniisip mo." nagulat ako sa sinabi ni Camille kaya napatingin ako sa kanya na may ekspresyon na pagtataka sa mukha. 

"Tsk! Syempre, joke lang yun noh. Hindi ka naman mabiro." yung kaninang malungkot nyang mukha ay naging masaya at nagpakita ng isang pilit na ngiti.

Binalewala ko nalang ang sinabi nya. Tutal ay nagjojoke lang naman daw sya. Kaya nagtawanan nalang kami sa loob ng National Bookstore.

"Hahaha! Ikaw talaga Bryan. So, ano na nga? Pink or yellow?" sabay pakita nya sakin nung hawak-hawak nyang pink at yellow na cartolina.

"Hmmmmm .. Ano ba ang maganda?" tiningnan at pareho kong hinawakan yung dalawang cartolina.

"Ako." napatingin naman ulit ako kay Camille. Nakangiti lang sya sabay hampas sa kaliwa kong braso ng mahina. "Joke. Hmmmmm .. Mas gusto ko tong yellow ehhh .. Ikaw? Which one do you prefer?" 

"Yellow? Ok!" sabay kuha ko ng tatlong piraso ng yellow cartolina.

"Ano pa bang wala?" kinuha nya sakin yung listahan ng mga bibilhin tsaka nya tiningnan isa-isa.

"Marami pa palang kulang eh." binalik na nya ulit sakin yung listahan at tsaka naglakad papunta dun sa kinalalagyan ng mga illustration board. 

Pagkakuha nya nung illustration board ay dumiretso naman sya sa lalagyan nung mga crepe paper. Sunod naman ay dun sa may mga painting tools. Kinuha nya yung mga kailangan namin para dun sa gagawing project ng student council. Nakasunod nalang ako sakanya. Sya na nga ang kumuha ng lahat ng kailangan eh. Samantalang, ako dapat ang gumagawa nun.

***

Hay! Nalibot na ata namin itong buong mall kakahanap ng mga bibilhin namin. Eh kasi naman, minsan out of stock tong National Bookstore kaya mapapalipat kami ng ibang store. O di kaya naman, sobrang mahal nung presyo. Eh maliit lang naman tong fund ng Student Council. Kailangang magtipid. Kaya ayun! Pabalik-balik at paikot-ikot kaming dalawa ni Camille.

"Hay! Salamat! Natapos din. Grabe! Ang dami nating pinamili. Nakakapagod." hingal na sabi ni Camille habang inuunat yung mga braso nyang nangalay sa pagbubuhat nung mga dala namin.

Hindi naman sa hindi ako gentleman. Pero sobrang dami talaga naming pinamili. Dalawa lang naman ang kamay ko at hindi ko yun kayang buhatin lahat. Nag-alok naman sya ng tulong eh. Hindi naman ako si Superman para tanggihan ang alok nya di ba?

"Oo nga eh. Pasensya ka na. Pinagod ata kita. Pero salamat narin dahil sinamahan mo ako." 

"Oy! Oy! Oy! Mr. Delgado, anong salamat? May talent fee ako dito noh?"

"Ha? Eh, wala naman akong dalang extrang pera eh."

"Sus! Joke lang. Masyado ka talagang seryoso. Samahan mo nalang ako magmiryenda. Don't worry. It's my treat." ^____^ hinawakan nya yung kamay ko tapos sabay ngiti sakin na para bang nangungumbinsing samahan ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever In Love With You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon